Namamanhid Na Mukha – Biglang Kinikilbutan Ang Mukha

May mga pamamanhid ka ba sa mukha? Ang mga taong nakakaranas nito ay pwedeng may problema sa nerves o sa daloy ng dugo. Kung namamanhid palagi ang mukha mo, pwede mo itong ikonsulta sa isang neurologist.

Sintomas At Senyales ng mga Sakit

  • Namamanhid ang buong mukha
  • Manhid sa mukha sa kaliwa o kanan (kalahating mukha)
  • Parang namamnhid at kinikilabutan na mukha
  • Mainit na mukha at manhid

Dahilan at Sakit

May ilang dahilan kung bakit ito nangyayari. Ilan sa mga posibleng sanhi at:

Maling posisyon ng pagtulog

Pagkabunot ng ngipin

Impeksyon sa ngipin

Allergy o dahil sa kinain

May ilang malalang sakit naman na pwedeng maging sanhi ng mahind na mukha. Ilan sa mga ito ay:

Brain tumor

Brain aneurysm

Stroke

Diabetes

Bells Palsy

Multiple sclerosis

Cancer

HIV

Dapat mong tandaan na ang pamamanhid ng mukha ay hindi nangangahulugan agad na may malalang sakit ka. Mabuting ito ay masuri ng isang doktor gaya ng neurologist.

Mga Dapat Gawin Pag Manhind Ang Mukha

Siguruhin na hindi nasisira ang tamang daloy ng dugo sa mukha. Madalas ang pamamanhid ay dahil sa irritation sa nerves o kaya naman ay naistorbong daloy ng dugo sa mga kaugatan.

Ngunit kung may ilan pang sintomas na kasabay nito. Dapat kang pumunta agad sa isang doktor. Ilan sa mga dapat bantayan ay:

Pagbabago ng isip

Pagkalito

Pagkawala ng balanse

Pagsusuka

Pagsakit ng ulo o pagkahilo

Panlalabo ng paningin

Paano Ito Gamutin?

Importante na ikaw ay matingnan ng isang doktor para malaman kung ano ang mabuting gawin sa iyong sintomas. Ang mga sakit na nabanggit dito ay kailangan na kumpirmahin ng mga test at diagnostic procedures.

Matapos nito, tsaka lamang pwedeng magbigay ang doktor ng posibleng gamot at treatment ayon sa iyong sintomas.



Last Updated on July 7, 2018 by admin

Home / Sakit Sa Ulo / Namamanhid Na Mukha – Biglang Kinikilbutan Ang Mukha