May nararamdaman ka bang manhid sa labi? Ang sintomas na ito ay posibleng may kaugnayan sa ilang sakit. Ngunit dapat mong malaman kung ano ang dahilan nito sa iyong partikular na kondisyon.
Bakit Namamanhid Ang Bibig?
Ang bibig o labi ay may sensitibong balat na manipis. Kung ito ay may nararamdaman na pamamanhid, may ilang sakit at kondisyon sa kalusugan na pwedeng maging sanhi nito:
- Diabetes
- TMJ Syndrome
- Stroke
- Food poisoning (halimbawa red tide)
- Anxiety attack (panic attack)
- Stress
- Bagong bunot na ngipin
Ano Ang Gamot?
Ang pamamanhid ay hindi eksaktong sakit na pwedeng magamot. Ito ay isang uri ng sintomas na lumalabas kapag ikaw ay may problema sa kalusugan.
Sa mga taong bagong bunot ng ngipin, ito ay kusang mawawala kung ito ay dahil sa nagalaw na nerve o ugat sa ngipin.
Sa TMJ, may mga therapy na pwedeng magawa ng dentista kung ito ang sanhi ng iyong pamamanhid.
Ang diabetes naman ay may katumbas na gamot upang mapanatili ang mababang sugar level sa iyong dugo.
Sa stroke, stress at anxiety attacks, may mga karampatang lunas, therapy o surgery para rito. Ang stroke ay kailangang maitakbo agad sa ospital dahil kritikal ang bawat segundong lumilipas.
Sa mga sintomas ng stress at anxiety, may therapy at treatment na gamot ang pwedeng magamit mula sa doktor.
Mga Sintomas Sa Bibig
Ang ilan sa mga sintomas na pwede mong maranasan ay ang mga sumusunod:
- Nangangapal na pakiramdam sa bibig o labi
- Parang may tumutusok tusok na sakit
- Namamanhid na paligid ng labi
- Mahapdi ang bibig
Maaari kang kumonsulta sa isang doktor kung ang iyong sintomas ay hindi nawawala ng ilang araw. Para sa bibig, pwede kang magsimula sa isang dentista kung sa tingin mo ito ay may relasyon sa ngipin. Sa isang banda, ang doktor para sa pamamanhid ay pwedeng isang general medicine o neurologist.
Alaming ang kung meron ka ng mga ito: Diabetes, Stroke, Anxiety, TMJ