Namamaga ba ang titi mo sa kahit anong parte nito? Ang mga lalaki na nakakaranas ng ganitong sintomas ay maaaring may impeksyon sa kanilang ari. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay ito ang dahilan. Pwede ring dahil ito ay may sugat o iritasyon. Importante na malaman mo ang posibleng dahilan ng pamamaga sa titi o uten.
Mga Sintomas
- Namamaga ang ulo ng titi (tite o uten)
- Pamamaga ng puno ng titi
- Masakit at namumulang titi
- Makati at mahapdi ang namamagang titi
- Namamaga ang butas ng titi at namumula
Bakit Ito Nangyayari?
May ilang dahilan kung bakit ito nangyayari. Ang ilan ay dahil sa sakit na kung tawagin ay STD o sexually transmitted disease. Ito ay pwedeng makuha dahil sa pakikipagtalik sa mga taong meron nito. Ngunit ang pamamaga ay maaaring isa lamang sa mga sintomas nito. Maraming klase ng STD na pwedeng makuha ng isang tao at ang pamamaga ay isa lang sa maraming posibleng sintomas.
Kung ang sinusuot mong underwear gaya ng briefs o boxer shorts ay may materyales na nagbibigay ng allergy, ito ay pwedeng maging dahilan ng titi na namamaga. Ang balat ng ari ng lalaki sa ulo ay pwedeng maapektuhan nito. Kung ang tela ay may allergens, pwedeng mamaga ang ari ng lalaki.
Ano Ang Posibleng Gamot?
Ang gamot para sa ganitong sintomas ay dapat na manggaling sa isang doktor. May ilan na maaaring ibigay sa iyo bilang antibiotic. Ito ay dapat na may reseta ng doktor at hindi dapat inumin kung walang payo ng espesyalista.
Ang ilan naman ay gumagamit ng natural na herbal medicine para mapigilian ang sobrang pamamaga. Bagamat ito ay posibleng makatulong, importante na ikonsulta pa rin ito sa isang doktor.
Iba Pang Dapat Bantayan
Importante na bantayan mo ang iyong kalusugan kung may namamaga sa iyong ari. Ang ilan sa mga ito ay pangangati, pagkakaroon ng lagnat at pagsusugat o pagdurugo. May ilan na posibleng magkaroon ng nana na lumalabas sa butas ng titi kapag umiihi o kaya naman ay mabahong katas nito.