Namamaga Na Dila Ano Ang Sanhi Nito

Masakit na dila ang madalas na nararamdaman kapag ito ay namamaga. Kung ito ay nararanasan mo, dapat mong alamin kung ano ang dahilan upang mabigyan ng lunas. Ang namamaga na dila ay pwedeng dahil sa impeksyon at iba pang sakit. Alamin ang ilan pang detalye sa pamamaga ng dila.

Mga Karaniwang Sintomas

Namamaga ang dila, dulo at likod nito

Namumula na dila na masakit kapag kumakain

Masakit at mahapdi ang dila

Ilalim ng dila ay masakit kapag ginagalaw

Namamaga na dila sa umaga pagkagising

Mga Dahilan

May ilang dahilan kung bakit namamaga ang dila. Ito ay posibleng dahil sa isa sa mga ito:

  • Allergy
  • Nakagat na dila at nagkasugat
  • Nakagat na dila habang natutulog
  • Sugat sa dila na may impeksyon
  • Anxiety attack
  • Tumor sa dila
  • Reaksyon sa gamot

Nagagamot Ba Ito?

Ang pamamaga ng dila ay pwedeng mamula o kaya naman ay maramdaman lamang. Kung ikaw ay may sugat rito, importante na makita ito ng isang doktor. Ang ENT na doktor ay pwedeng tumingin ng mga problema sa dila. Ang dila ay parte pa rin ng bunganga na siyang titingnan ng isang ENT.

Nawawala Ang Panlasa

Ang panlasa ay pwedeng mawala kapag namamaga ang iyong dila. Ito ay nangyayari kapag nasira ang taste buds o kaya naman may damage sa nerves. Kung ito ay nangyayari sa iyo, kumonsulta agad sa isang doktor.

Ang ilang impeksyon at sugat sa dila ay pwede ring maging sanhi ng pagdugo at pamamaga. Ugaliin na inspeksyunin ang iyong dila kapag ito ay nagkasugat at iyong nakagat.

Epekto ng Gamot

Kung ikaw ay umiinom ng kahit anong gamot, posible rin na magkaroon ng side effects na pamamaga ng dila o pagkawala ng panlasa. Itanong sa iyong doktor ang mga side effects ng gamot na iyong gagamitin.