Nalalasahang Metal Sa Dila – Ano Ang Lasang Bakal Sa Dila Ko?

May kakaibang lasa ba sa iyong dila? Kung ito ay hindi mo matiis, importante na malaman kung ano ang dahilan nito. Ang metallic taste sa dila o bunganga ay pwedeng senyales ng mga sakit gaya ng nerve damage dahil sa diabetes.

Karaniwang Sintomas

Iba iba ang panlasa ng tao. Ngunit may ilan na pwedeng ihalintulad sa metal na lasa. Kung ito ay nangyayari sayo, maaaring ilan sa mga ito ang iyong sintomas:

Nalalasahan na parang bakal sa bunganga

May parang malamig na panlasa sa dila

Lasang bakal o metal ang bibig

Ano Ang Posibleng Dahilan?

Ang pagkakaroon ng lasang metal sa dila ay pwedeng dahil sa impeksyon. Kapag ikaw ay may sugat sa loob ng bunganga, pwede itong maglabas ng nana o dugo na siyang nagmumukhang lasang metal. Madalas kapag masakit ang ngipin ito nangyayari.

Kung ikaw naman ay katatapos lang sa isang dental procedure, pwedeng malasahan mo ang ibang kemikal sa iyong dila. Ito ay madalas na dahil sa gamot o kemikal na ginagamit sa dental procedures. Halimbawa nito ay katatapos lang ng wisdom tooth extraction, bunot sa ngipin o kaya pasta at root canal.

Ang pagkakaroon na kakaibang panlasa sa dila ay pwede ring may kinalaman sa nerves. Kung ikaw ay diabetic o kaya naman may problema sa brain o nerve health, pwedeng magkaroon ng lasang metal sa iyong dila.

Ano Ang Solusyon

Importante na makita ka ng isang doctor para magkaroon ng solusyon ang iyong problema. Dito malalaman sa pamamagitan ng mga test kung ano ang sanhi ng iyong health concern.

Doctor Para sa Dila

Ang isang ENT doctor ay pwedeng sumuri sa iyong sintomas. Pwede ka rin kumonsulta sa isang family medicine o general medicine na doktor.

Delikado Ba Ito O Nakakamatay?

Madalas na ang ganitong sintomas ay senyales ng iba pang sakit. Importante na ikaw ay pumunta sa isang doctor para malaman kung ano talaga ang iyong karamdaman. Ang pagkakaroon ng lasang bakal sa dila ay isang sintomas lamang at hindi eksaktong karamdaman.



Last Updated on February 15, 2020 by admin

Home / Sintomas ng Mga Sakit / Nalalasahang Metal Sa Dila – Ano Ang Lasang Bakal Sa Dila Ko?