Nakalmot ng Pusa at Aso – Ano Ang Dapat Gawin Sa Kalmot ng Hayop

May alaga ka bang pusa o aso? Kung ikaw ay nakalmot ng alinman sa mga ito, importante na ikaw ay masuri upang malaman kung kailangan mo ng bakuna. Ang ibang kaso ng kalmot ng aso o pusa ay pwedeng maging dahilan upang an rabies ay magsimula at malipat sa isang tao mula sa hayop. Kung ikaw ay nakalmot ng hayop na hindi mo naman alaga, mas lalong dapat kang kumonsulta sa isang doktor.

Nakalmot ng Pusa at Aso

Ang kalmot ay pwedeng maituring na category two sa mga evaluation programs ng rabies vaccine. Ito ay nirerekomendahan ng mga eksperto bilang sitwasyon na kung saan kailangan mong magpabakuna ng anti-rabies at anti-tetano upang maiwasan ang mga komplikasyon.

Dapat ba ako magpa inject ng Anti Rabies?

Importante na ikaw ay pumunta agad sa isang doktor upang malaman kung kailangan mo ang vaccine. Madalas, ito ay nirerekomenda ng mga doktor kahit sa kalmot lamang bilang isang preventive measure. Mas mabuti nang ikaw ay protektado upang hindi magsisi sa huli sakaling ang hayop na kumalmot sa iyo ay may rabies nga.

Isa sa mga dinadagdag na bakuna at anti tetanus na madalas ding sinasabay sa anti rabies. Pumunta agad sa isang doktor o ospital kapag ikaw ay nakalmot ng kahit anong hayop. Huwag itong ipagwalang bahala dahil madumi ang mga kuko ng hayop at maaaring ito ay may rabies or tetano o kaya iba pang germs.

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nakalmot

Pumunta agad sa ospital at magpa-evaluate sa isang doktor.

Dapat Ba Akong Uminom ng Gamot

Ang doktor ang makakapagsabi kung ano ang dapat mong inumin at gawin. Magbibigay siya ng schedule ng mga bakuna sakaling ito ay irekomenda niya. Ano ang gamo sa kalmot ng pusa o aso. Ipaalam agad sa doktor ang nangyari sa iyo upang malaman kung ano ang dapat gawin. Ang rabies ay nakakamatay at hindi ito simpleng sakit lamang.

 



Last Updated on January 24, 2019 by admin

Home / First Aid / Nakalmot ng Pusa at Aso – Ano Ang Dapat Gawin Sa Kalmot ng Hayop