Ang pagkakaroon ng sore eyes ay madalas na nagiging sanhi ng pagliban sa klase sa mga estudyante. Sa mga matatanda naman, pwede itong takpan ng shades at maaari pa ring pumasok sa trabaho. Ngunit may ilang tao na hindi masyadong pamilyar sa dahilan ng sore eyes.
Sintomas ng Sore Eyes
Ano ba ang sintomas ng sore eyes? Kung ikaw ay meron ng mga sumusunod, maaaring ito ay sore eyes na:
- Mahapdi ang mata
- Masakit ang mata
- Namumula ang mga mata at makati
- May muta sa mga mata
- Hindi makadilat ang mata sa sobrang dami ng muta
- Malagkit ang mga mata
Paano Nakukuha ang Sore Eyes
Ang sore eyes ay dulot ng maruming kapaligiran. Kapag ikaw ay humawak sa iyong mata na marumi ang kamay, pwede kang magkaroon ng sore eyes. Nakakahawa rin ang sore eyes kung ang isang taong meron nito ay malapit sa iyo at nagkaroon ng kontak.
Nakakahawa Ba Ang Sore Eyes Kapag Tiningnan?
Ang sore eyes ay hindi nakakahawa sa simpleng pagtining lamang sa mata ng taong meron nito. Ang pagkahawa ay nangyayari sa pamamagitan ng kamay o paggamit ng mga bagay ng nahawaan nito. Halimbawa, kung ikaw ay nakipagkamay sa taong may sore eyes, ang bacteria ay pwedeng malipat sayo at ito naman ay maipapasa mo sa mata mo kapag hinawakan mo ito.
Paano Gamutin Ang Sore Eyes
May mga drops na pwedeng gamitin sa mata para labanan ang bacteria. Ito ay mabibili sa mga botika at dapat mong itanong sa pharmacist kung ito ay pwedeng mabili kahit walang reseta. Paano iwasan ang sore eyes? Ugaliin na maghugas palagi ng kamay at huwag kuskusin ang mga mata gamit nito.