Nakaranas ka na ba na nahilo pag ikaw ay tumatayo? Ang ganitong sintomas ay madalas na mangyari sa mga taong may edad na. Ngunit pwede rin itong mangyari sa mga mas bata at young adults. Ano nga ba ang sanhi nito?
Ano Ang Mga Sintomas Mo?
Nahihilo kapag biglang tumayo
May hilo sa paningin pag tumatayo mula sa pagkahiga
Nahihilo ang paningin kapag umuupo
Parang lumulutang ang pakiramdam ng ulo
Parang malabo ang paningin kapag biglang tumayo mula sa pagkakahiga
Dahilan At Sanhi ng Hilo
Ang biglang pagtayo at pag-upo ay pwedeng magpataas ng blood pressure sa katawan. Kung ito ay biglang nangyari sayo, pwede kang makaranas ng biglang hilo sa ulo na parang pumipintig.
Ang pagkakaroon ng low blodo pressure, dehydration, mababang blood sugar at sobrang init ay pwedeng maging snahi ng biglaang pagkahilo.
Gamot sa Hilo ng Pagtayo
Minsan, hindi na kailangan ng gamot sa mga hilo na may kinalaman sa pagtayo. Ngunit importante na ito ay ipakonsulta mo sa doktor para mas malaman kung ano talaga ang sanhi nito. Ang hilo sa ganitong pagkakataon ay pwedeng dahil sa blood pressure o sa mata.
Samantala, kung ito ay madalas mangyari, dapat mo itong isangguni sa isang doctor. Importante na malaman kung ano ang sanhi nito para magamot kung mayroong sakit.
Ano Ang Doctor Para Sa Nahihilo Kapag Tumatayo?
Ang isang family medicine doctor ay pwedeng unang konsultahin tungkol dito. Sa pamamagitan ng ilang medical tests, malalaman kung ano ang posibleng dahilan nito. Sa isang banda, ang iba pang doktor na pwedeng konsultahin ay ang neurologist, ophthalmologist at cardiologist.
Mga Pagkain Para sa Hilo
Ang pagkahilo ay isang sintomas ng sakit ngunit may ilang pagkakaton na ito ay dahil sa kakulangan ng bitamina. Kumain ng tama at sapat na may maayos na nutrisyon para mas bumuti ang iyong kalusugan at maiwasan ang pagkahilo.
Source: Mayoclinic