Nangangati Kapag Kumakain ng Manok at Hipon – Ano Ba Ang Dahilan

May nararanasan ka bang makati sa katawan kapag kumakain ng ilang uri ng manok o kaya hipon? Importante na malaman mo kung ito ang sanhi dahil baka ikaw ay may allergy na.

Ano Ang Sintomas ng Allergy sa Manok

Ang pagkakaroon ng allergy sa ilang pagkain ay karaniwan sa mga tao. May ibang tao naman na walang allergy sa kahit anong pagkain ngunit maaaring hindi lang nila alam ang sintomas.

Makati ang balat kapag kumain ng hipon o manok na kahit anong luto

Nangangati ang buong katawan kapag kumain ng manok o hipon

Kumakapal ang bibig o labi

Parang hirap sa paghinga matapos kumain

Naninikip ang dibdib kapag kumain ng manok

Nahihilo o nasusuka sa pagkain ng hipon o manok

Ano Ang Posibleng Sakit

Ang pagkakaroon ng allergy sa mga nabanggit na pagkain ang siyang posibleng kondisyon ng katawan. Kapag ikaw ay may allergy, ang iyong katawan ay pwedeng mag react.

Gamot Para Sa Pangangati sa Pagkain

Importante lamang na umiwas sa mga pagkain na kung saan may allergy ka. Kung hindi mapigilan o matiis ang sintomas, pwedeng gumamit ng anti-histamine na gamot na mabibili sa botika. Ngunit dapat mong ikonsulta ito sa doctor bago gamitin.

Doctor Para sa Allergy

Ang isang allergy doctor ay pwedeng konsultahin para sa mga ganitong sintomas. Itanong kung ano ang posibleng test para ma confirm kung ikaw nga ay may allergy. Siguruhin din na ikaw ay umiiwas sa mga pagkain na ito para hindi sumumpong ang iyong allergy.

May Gamot Ba Laban Sa Allergy?

Ang allergic reaction ay mekanismo ng katawan. Ang pwede lamang magawa ay umiwas sa pagkain na nagtitrigger nito o kaya pag inom ng anti allergy medicines.

Source: NHS



Last Updated on September 18, 2019 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Nangangati Kapag Kumakain ng Manok at Hipon – Ano Ba Ang Dahilan