Meron ka bang parang kaliskis na balat? Kung ito ay nagiging problema para sa iyo, dapat mong malaman kung ano ang dahilan upang makahanap ka ng lunas. Ang balat sa may braso at binti ay agad na nakikita. Maaaring nakakahiya kung ito ay may tila kaliskis na parte.
Mga Sintomas Nito
Ang pagkakaliskis ng balat ay hindi nangangahulugan na ito ay permanente. Minsan, ang taong meron nito ay nagkakaroon lamang depende sa kalusugan at panahon. Ilan sa mga posibleng sintomas ay:
- Kaliskis na balat sa braso, kamay, binti, hita at paa
- Nanunuyo na balat na bitak bitak
- Makati at makaliskis na ibabaw ng balat
- Natutuklap na balat at nanunuyo
- Namumula ang balat at may mga crack
Saan Ito Nakukuha?
Ano nga ba ang dahilan ng kaliskis na balat? Minsan, ito ay dahil sa panahon. Kung taglamig, ang balat ay maaaring matuyo at magkaroon ng dry at kaliskis na parte.
Sa isang banda, pwede rin itong may kinalaman sa isang sakit sa balat na eczema. Ito ay inflammation ng balat na nagbibigay ng tuklap at panunyo kung saan ito ay nagbabakbak o nagnanaknak.
Ang allergy ay isa pang dahilan kung bakit may kaliskis na balat ang isang tao. Kapag ang parte na balat ay may allergy sa dumi, alikabok, pagkain, kemikal at iba pa, maaari itong manuyo at maging parang kaliskis ng isda.
May Gamot Ba Para Rito?
Ang eczema ay may naturang gamot na pwedeng ipahid. Itanong lamang ito sa iyong doktor o kaya sa pharmacist. Ito ay nagagamot ngunit pwede ring bumalik depende sa kalusugan.
Samantal, ang dry skin ay madaling malunasan sa pamamagitan ng paggamit ng lotion o moisturizer. Ang pagkawala ng moisture sa balat ay nagdudulot ng dry skin na siya naman nagiging sanhi ng pagkakaliskis.
Mga Bagay Na Nagdudulot ng Ganitong Problema
May ilang mga bagay o gamit na pwedeng magresulta sa makaliskis na balat. Ito ay ang mga sumusunod:
- Klase ng tela ng damit
- Sabon
- Sabong panlaba
- Pabango
- Chlorine
- Make up
Ano Ang Dapat Ipahid sa Balat?
Ang simpleng pagkatuyo ng balat ay pwede nang malunasan ng sabon o lotion na may moisturizer. Importante rin na ito ay may sunblock o SPF para maproteksyonan ang balat laban sa ultraviolet rays.
May ilang natural herbs at langis na pwedeng magbigay ng ginhawa sa balat kung ito ay makati, mahapdi at namumula. Ang ilang kababayan natin ay gumgamit ng langis ng niyog, honey at iba pang natural at organic na produkto upang mawala ang nanunuyong balat.