Nahihirapan ka bang magsalita ng diretso dahil nabubulol ka? Kung ito ay iyong problema sa mga nakalipas na ilang araw, dapat mong malaman kung ano ang posibleng sanhi nito. Ang pagkautal ng salita ay pwedeng isang senyales ng problema sa kalusugan.
Ano ang mga Sintomas
Ang pagkabulol at pagutal-utal ng salita ay nangyayari sa isang tao na maaaring may problema sa kalusugan at ang mga sintomas ay:
- Nabubulol kapag nagsasalita
- Parang may laway palagi sa bibig
- Marang hindi makapagsalita ng maayos
- Hirap magsalita ng diretso o tuwid
- Utal utal magsalita
Bakit ito nangyayari?
Ang pagkabulol o pagutal ng salita ay may mga dahilan na hindi dapat balewalain. Isa sa posibleng sanhi nito ay ang problema sa iyong utak o kaya naman sa nerves na nagdudulot ng pagsasalita ng maayos. Kung ang isang tao ay nagkaroon ng injury sa utak, ito ay pwedeng maging sanhi ng pagkabulol.
May may tao rin na nakakaranas ng ganitong sintomas kapag sila ay stressed. Ang mga taong may anxiety attack o panic attack ay pwede ring magkaroon ng ganitong karamdaman.
Stroke ay isang sakit na pwedeng maging sanhi ng pagkabulol o pagkautal ng salita. Ang mga bahagi ng utak na naapektuhan ng stroke dahil sa pagkawala ng oxygen ay pwedeng magdulot ng pagkabulol.
Paano Ginagamot ang Pagkabulol
Ang pagkabulol na nangyayari simula pa nung bata ay maaaring dahil sa gene defects. Pwede itong mamana mula sa mga magulang at madalas, pwedeng magrekomenda ang isang doktor ng treatment gaya ng therapy.
Ang speech therapy at occupational therapy at pwede ring gamitin ng isang doktor para maka-recover ang isang tao mula sa pagkabulol dahil sa stroke. Siguruhin na kumonsulta sa isang doktor kung ikaw ay biglang nagkaroon ng sintomas gaya ng pagkabulol, pagkalito, sakit ng ulo at panghihina ng katawan.