Mahina na ba ang pandinig mo? Kung ito ay nakakaapekto na sa iyong araw araw na gawain, dapat kang kumonsulta sa isang doktor upang malaman kung ano ang sanhi ng mahinang pandinig. Ang tenga ay pwedeng magkaroon ng problema sa loob na siyang nagiging dahilan ng nabibingi na pakiramdam.
Mga Sintomas ng Mahinang Pandinig
- Mahina ang pandinig
- Hindi makarinig kahit malakas
- Nabibingi
- Walang marinig sa tenga
- Parang bulong ang tunog sa tenga
- Masakit ang tenga at walang marinig
Dahilan at Sanhi
May ilang mga sanhi na pwedeng maging dahilan ng mahinang pandinig o nabibingi na sintomas. Isa na rito ang pagtanda. Maraming tao ang nakakaranas ng panghihina ng pandinig habang sila ay tumatanda na madalas ay normal lamang.
Ang impeksyon sa loob ng tenga ay pwede ring magdulot ng pagkabingi. Minsan, ito ay panandalian lamang at pwedeng bumalik ang pandinig kapag nagamot na ang impeksiyon.
Nasirang ear drums ang isa pang posibleng dahilan ng pagkabingi o panghihina ng pandinig. Kung ikaw ay natusok sa ear drums, nagkaroon ng malubhang impeksyon o kaya naman ay biglang na-expose sa napakalakas na tunog, maaaring masira at mabutas ang eardrums.
Ang pagkakaroon ng matinding sipon ay pwede ring magdulot ng parang barado ang tenga o parang may hangin at echo ang loob ng tenga.
Paano It Ginagamot?
Paano ibalik ang nawalang pandinig? Importante na ikaw ay magpasuri sa isang doktor kagaya ng ENT. Kung ito ay dahil sa impeksyon, pwede itong magamot ng antibiotic. Pero dapat ito ay binigay o nireseta ng isang doktor lamang. Sa natural na panghihina ng pandinig gaya ng pagtanda, ang hearing aid ay pwedeng makatulong upang lumakas at luminaw ang pandinig. Sa isang banda, ang nasirang ear drums ay pwedeng ikonsulta sa isang doktor upang malaman kung ano ang dapat gawin.
Mga Dapat Iwasan
Huwag magbabad ng ear phones lalo na kung ang tunog ay malakas. Kung ikaw ay makikinig ng musika, siguruhin na ito ay nasa katamtamang lakas lamang. Huwag gumamit ng matitigas na bagay sa loob ng tenga. Ugaliin na linisan ang tenga gamit ang ligtas na panglinis. Bantayan kung ikaw ay may impeksyong sa tenga.