Mga Sintomas ng Tulo o Gonorrhea

Ang Gonorrhea o Tulo ay isa sa mga sexually transmitted diseases. Kung ikaw ay may tulo, importante na ito ay ipatingin sa doktor kung ang mga sintomas nito ay lumabas na sayo.

Mga Sintomas ng Tulo o Gonorrhea (sintomas ng tulo sa babae at lalaki)

  • Masakit ang pag ihi
  • May lagnat
  • Nahihirapan umihi at parang naiihi palagi
  • May nana sa ari ng lalaki o babae
  • May nana sa butas ng titi o ng puki
  • May pagdudugo
  • May tumutulong nana

Ano ang gamot sa Gonorrhea o tulo?

Importante na ikaw ay kumonsulta sa isang doktor para maresetahan ng antibiotics at mga gamot. Iwasan ang pakikipagtalik para hindi makahawa at palakasin ang resistensya.



error: Copyright Protected!