Mga Sintomas ng Kidney Failure – Paano Malalaman Kung May Sakit Sa Bato

Ang sintomas ng kidney failure ay madalas na nakikita sa ihi. Ngunit may ilang mga palatandaan nito na pwedeng makita sa ibang paraan o parte ng katawan. Importante na malaman mo ito kaagad upang hindi lumala. Ang kidney failure ay posibleng makamatay kung ito ay napabayaan.

Ano Ang Mga Sintomas?

  • Pagkakaroon ng hirap sa pag-ihi
  • Konti ang ihi na lumalabas
  • Namamaga ang ilang parte ng katawan gay ang binti at paa
  • Pagiging laging pagod
  • Pagkahilo
  • Parang kulang sa hininga
  • Pagkalito
  • May masakit sa dibdib

Ano Ang Dahilan Nito?

Ang pagkakaroon ng problema sa bato ang pangunahing sanhi nito. Ang mga kidney o bato ay tumutulong upang salain ang mduming parte ng dugo. Kapag ito ay nagkaroon ng failure, hindi na nito kayang tanggalin ang toxic waste sa dugo na pwedeng maging sanhi ng pagkalason.


Ilan sa mga dahilan ay pagkakaroon ng problema sa daloy ng dugo, injury sa mismong bato o kaya naman pagbabara ng mga tubo sa loob ng bato.

Sino Ang Nagkakaroon Nito?

Bakit nagkakaroon ng kidney failure? Madalas ang mga taong meron nito ay may edad, may sakit sa bato, may sakit sa puso, diabetic at iba pang problema sa kidney. Ang bata at matanda ay pwedeng magkaroon ng sakit na ito. Maaari rin itong maranasan ng babae at lalaki.

May Gamot Ba Para Rito?

Ang treatment ay ginagawa sa isang tao na may kidney failure. Ito ay pwedeng malunasan at maagapan. Kailangang alamin muna kung ano ang dahilan ng failure at kung bakit nahihirapan ang iyong bato na salain o i-filter ang mga dumi na dumadaloy sa dugo.

Mga Dapat Inumin At Kainin

Ang pagkakaroon ng ganitong sakit ay dapat isangguni sa isang doktor. Ang pagkain ng masustansiya ay importante upang mapanatili ang lakas ng katawan. Ang doktor na tinatawag na urologist ang pwedeng konsultahin upang magamot ang anumang sakit sa pag-ihi na may kinalaman sa bato.

error: Copyright Protected!