Pantal pantal ba ang mukha mo? Kung ikaw ay nakakaranas ng ganitong sintomas, maaaring may kinalaman ito sa iyong immune system. Ngunit kailangan mong malaman kung ano ang tunay na dahilan nito. Sa mga taong may sensitive skin, ito ay pwedeng mangyari sa kaunting allergic reaction laman. Ano ang nga ba ang dahilan ng mga pantal sa mukha?
Karaniwang Sintomas ng Pantal
Ang mga pantal sa balat ay pwedeng lumabas kahit saang bahagi ng katawan. Sa mukha, pwede rin itong lumitaw.
- Pantal pantal sa pisngi
- Namumulang pantal sa mukha, noo, baba
- Namamantal na mukha kapag may nakain
- Namamantal na mukha dahil sa dumi at init
Bakit Ito Nangyayari?
Isa sa karaniwang dahilan ng pagpapantal ng mukha at allergy. Ito ay posibleng mangyari kapag ikaw ay na-expose sa allergens. Ilan sa mga ito ay seafoods, alikabok, mga kemikal, make up, pulbos, usok at iba pa.
May ilang dahilan din na pwedeng may kinalaman sa sakit. Halimbawa, ang taong may pagpapantal sa mukha ay posibleng may problema sa liver, pagkakaroon ng diabetes, maduming kapaligiran, reaction sa mga iniinom na gamot, HIV at iba pa. Tandaan na hindi dapat isipin na meron ka ng mga sakit na nabanggit hangga’t hindi ito kinukumpirma ng isang doktor.
Paano Mawawala Ang Pantal na Hindi Makati?
Kung ito ay isang allergic reaction, pwede itong mawala kapag tumigil na an epekto ng allergens. Sa ilang tao, ang doktor ay pwedeng magbigay ng anti-histamine na nakakalunas sa allergic reactions. Kung ang balat mo sa mukha o facial skin ay madumi, ito ay pwedeng hugasan ng mild na sabon o cleanser.
May Gamot Ba Dito?
Pumunta agad sa isang doktor kung ang iyong pantal sa mukha ay may kasamang ibang sintomas gaya ng hirap sa paghinga, pagdurugo, pagkahilo o sakit ng ulo at iba pa. Ang ilang pagkain na may epekto sa iyong immune system ay pwedeng magdulot ng pagpapantal bilang allergy.