May mga sintomas ka bang nararamdaman? Minsan, mahirap maghanap ng tamang doktor ayon sa iyong mga nararamdaman na sakit. Para magkaroon ka ng kaalaman ng tamang doktor na dapat puntahan, narito ang ilan sa mga gabay upang ikaw ay makatipid sa oras at pera at mahanap ang tamang doktor para sa iyong nararamdaman.
Gamot Mula Sa Doktor
Sa kahit anong karamdaman, tanging ang mga doktor lamang ang pwedeng magbigay at magreseta ng tamang gamot. Mahalagang kumonsulta sa isang lisensyadong doktor para magkaroon ng mabisang lunas sa iyong sintomas.
Uri ng Doktor
Ang mga doktor ay may kanya kanyang espesyalisasyon. Kung ikaw ay may masakit na bahagi ng katawan, dapat mong alamin ang tamang doktor para sa iyong mga sintomas. Narito ang listahan ng mga klase ng doktor.
Mga pananakit at sintomas sa:
Ulo kasama ang noo, batok at leeg
- Family medicine
- General Medicine
- Neurologist
Mata at Paningin
- Ophthalmologist
Ilong, Tenga (tainga) at Lalamunan o throat
- ENT Doctor
Suso at dede ng lalaki at babae
- General medicine
- OB Gyne (Gynecologist sa mga babae)
Sa loob ng dibdib kasama ang puso
- Cardiologist
- General medicine
Baga at Paghinga, para sa ubo at masakit na dibdib kapag humihinga
- Pulmonologist
- General medicine
Atay, Lapay, Sikmura, Bituka, Appendix
- Gastroenterologist
Pag ihi, pantog, bato, prostate, ovary, ari ng lalaki (titi at bayag), ari ng babae (puki), puson
- Urologist
- OB Gyne (sa mga babae)
Balakang at Baywang, ibabang bahagi ng likod
- Orthopedic surgeon
- Urologist
Mga hita, binti at paa (mga buto at kasu kasuan)
- Orthopedic surgeon
Mga kamay, braso at daliri (mga buto at kasu kasuan)
- Orthopedic surgeon
Mga pamamanhid, sakit ng ulo sa loob, stroke, pagkalito, sakit ng mga kaugatan, utak at spinal cord
- Neurologist
Kidney o Bato lamang
- Nephrologist
Paa at Kamay, tuhod, siko
- Orthopedic surgeon o Rheumatologist
Mga sakit ng bata at sanggol
- Pediatrician
Balat, buhok, anit, kuko
- Dermatologist
Bunganga, dila, ngipin, ngalangala, bibig
- Dentist
Importante na malaman kung ano ang klase ng doktor ang dapat konsultahin para sa iyong sakit. Ang mga ekspertong doktor ay mas madaling makakapagbigay ng lunas sa iyong karamdaman. Maraming ospital ang pwede mong hanapan ng mga doktor na nabanggit.