May nararamdaman ka bang parang tusok sa pisngi? Kung ikaw ay meron nito, dapat mong alamin kung bakit ito nangyayari. Minsan, ang simpleng sintomas ay maaaring dahil sa isang sakit. Ugaliin na ipakonsulta ang anumang nararamdaman na pananakit.
Bakit May Tumutusok Sa Pisngi Ko?
Ang sumasakit na pisngi ay pwedeng may mga sintomas gaya ng mga sumusunod:
Parang tinutusok tusok ang cheekbones
May malamig na pakiramdam sa pisngi
Masakit ang balat ng pisngi
Namamanhid ang mga pisngi
Ano Ang Dahilan Nito?
Isa sa posibleng dahilan nito ay pagkakaroon ng neuropathy. Kung ikaw ay may damaged nerves na nasa mukha, pwede kang makaranas ng namamanhid na parte nito.
Isa pang pwedeng dahilan ay pagkakaroon ng diabetes. May mga pagkakataon na nasisira ang nerves ng katawan dahil sa mataas na blood sugar.
Kung ang isang tao ay may problema sa utak gaya ng tumor, pwede itong makaapekto sa sensations na nasa pisngi, halimbawa nito ay ang pamamnhid o tusok tusok.
Paano Ito Gagamutin?
Ang gamot sa tusok sa pisngi ay dapat na manggaling sa isang doktor. Important na malaman muna kung ano ang sanhi nito. Ang doktor ay pwedeng isang family medicine o general medicine. Pwede ring kumonsulta sa isang neurologist na expert sa mga kaugatan.
Mga Pagkain Para sa Nerves
May ilang vitamin supplements na pwedeng makatulong sa nerves. Ngunit hindi dapat uminom nito kung walan payo ng doktor o kaya naman ay may allergy sa mga ito. Ilan sa mga ito ay Vitamin B complex. Kumonsulta muna sa doktor upang malaman ang dahilan ng iyong sintomas. Huwag gagamit ng anumang gamot na walang reseta ng doktor.