May puti ba sa ibabaw ng dila mo? Minsan, ang mga bagay na ito ay posibleng may kinalaman sa kalusugan. Ngunit karamihan sa mga puti-puti sa dila ay hindi dapat ipag-alala. Dapat mo lang malaman kung ano ang mga sintomas ng posibleng sakit kung ito ay nararanasan mo.
Ano Ang Itsura Nito?
- May mga maliliit na balahibo sa dila kulay puti
- May mga patse sa dila na kulay puti
- Puting bagay sa ibabaw at gilid ng dila
Ano Ang Sanhi Nito?
Ang pagkakaroon ng puting dila ay kadalasan na normal lamang. Ang mga taste buds o panlasa ay madalas na nalalagyan ng mga bagay na kinain ng isang tao. Dahil dito, pwedeng maipon ang mga dumi sa taste buds kapag ito ay hindi nalilinisan.
May mga sakit na pwedeng magdulot ng maputing dila o puti puti na parang maliliit na balahibo sa ibabaw. Ang isang halimbawa nito ay pagkakaroon ng oral thrush o candidia infection. Ito ay isang uri ng fungus na pwedeng bumalot sa ibabaw ng dila.
Madalas ito ay nangyayari kapag humina ang resistensya ng isang tao. Ang mga taong may HIV at tigdas o measles (sa adults) ay posibleng magkaroon ng fungal infection sa bunganga. Minsan, makikitang ito ay kumakalat sa lalamunan, gilagid at gilid ng pisngi sa loob ng bunganga.
Paano Ito Ginagamot?
Ang simpleng puting dila dahil sa dumi ay kusang nawawala habang nagsesepilyo. Ngunit kung ikaw ay stressed, posibleng ito ay mawala kapag nagkakaroon ka na ng maginhawang oras. Sa mga taong may infection, importante na ito ay ipatingin sa isang doktor. May mga gamot na anti-fungal at minsan antibiotics kung kianakailangan na binibigay ang doktor.
Pwede Ko Bang Kuskusin?
Pwede kang gumamit ng malambot na toothbrush upang maalis ang mga dumi sa dila. Ito ay dahan dahang kuskusin at hugasan upang mawala ang puti puti.
Ano Ang Iba Pang Sakit?
Ang pagkakaroon ng sugat sa bunganga, sa dila, pagdurugo at mabahong hininga ay dapat ikonsulta sa isang doktor o dentista. Ugaliin na maglinis ng ngipin at bunganga gayun din ang pagpapalakas ng iyong resistensya.