May Lumalabas Na Katas Sa Utong ng Lalaki o Babae – Katas Sa Dede

May lumalabas ba na likido sa iyong utong? Ang ganitong sitwasyon ay pwedeng mangyari sa mga babae lalo na kung sila ay pwede nang mabuntis o kaya naman ay kapapanganak pa lamang. Ngunit paano ang mga sa lalaki? May ilang lalake rin na pwedeng magkaroon ng katas sa kanilang utong o dede. Marapat na ito ay matingnan ng isang doktor.

Ano Ang Sintomas Nito?

  • Pagkakaroon ng kumakatas na likido sa utong
  • May lumalabas na tubig sa dede kahit lalaki
  • Lumalabas na pula o brown na kulay sa utong ng babae o lalaki
  • May liquid sa utong na kulay puti o malinaw na parang tubig

Ano Ang Mga Sanhi Nito?

Iba iba ang pwedeng maging sanhi nito ayon sa Healthline. Depende sa kulay, may  mga posibleng dahilan kung ano ang pinagmumulan nito sa loob ng dede.

Kung ito ay maputi puti, dilaw o kaya may nana, posibleng ito ay dahil sa impeksyon. Kung ito ay pula o kaya brown, ito ay dahil sa dugo na pwedeng dahil sa cancer. Kapag green, pwede itong dahil sa isang cust. Kung kulay tubig, pwedeng ito ay dahil sa cancer. Brown o parang keso naman ay kapag barado ang suso.

Ano Ang Gamot Para Rito?

Kung ikaw ay hindi nagpapasuso ng sanggol, dapat na pumunta ka sa isang doktor. Kung ang lumalabas sa iyo ay hindi gatas na maituturing, importante na ito ay makita ng isang doctor. Ang ilang sakit na nabanggit ay seryoso gaya ng breast cancer. Ang mga palatandaan nito ay mga likido na lumalabas sa dede, may bukol sa dibdib, masakit na dibdib at iba pa.

May Breast Cancer Ba Ako?

Tanging ang doktor lang ang pwedeng mag-diagnose ng isang sakit. Kung ikaw ay may ganitong sintomas, magpa-check up agad para maagapan. Importante na malaman agad ang dahilan ng iyong sintomas para ito ay magamot pa sa lalong madaling panahon.

 



Last Updated on September 5, 2018 by admin

Home / Sintomas ng Mga Sakit / May Lumalabas Na Katas Sa Utong ng Lalaki o Babae – Katas Sa Dede