May nakikita ka bang dugo sa dura ng toothpaste? Ito ay maaaring senyales ng isang problem sa gilagid. Alamin kung ano ang sanhi nito at paano ito malunasan. Ang pagkakaroon ng dugo kapag nagsesepilyo ay hindi dapat balewalain.
Ano Ang Dahilan Ng Dugo sa Toothbrush?
Ang pagkakaroon ng dugo sa sepilyo ay pwedeng dahil sa problema sa gilagid o gums. Kapag ito ay may sugat, namamaga o impeksyon, pwede itong magdugo kapag nagto-toothbrush. Makikita ang dugo sa dura at kapag nagmumog.
Gum infection
Gingivitis
Tartar and Plaque
Sugat sa Gilagid
Ano Ang Sakit
Isa sa posibleng dahilan nito ay gingivitis. Ito ay isang uri ng pamamaga at infection sa gilagid. Pwede ring ikaw ay may bulok na ngipin o tooh decay.
Paano Ito Gamutin
Ang gamot sa dumudugong gilagid ay dapat na ibigay ng isang dentista. Kung ito ay dahil sa infection, ito ay nagagamot ng antibiotics mula sa doctor. Kung ito naman ay dahil sa pagkabulok o iba pang problema, ang dentista ay magbibigay ng treatment para rito.
Sintomas ng Madugong Sepilyo
Nagkakaroon ng dugo sa dura sa pag sepilyo
May dugo sa toothbrush at toothpaste
Masakit ang ngipin pagkatapos mag toothbrush
May pula sa dura pagkatapos ng sepilyo
Sumasakit ang gilagid an may dugo
Ano Ang Dapat Gawin
Kumonsulta sa isang dentista upang malaman ang dahilan nito. Ang infection ay pwedeng dahil sa bacteria, sugat o iba pang lesion sa gums.
Toothpaste para sa gums o gilagid. May ilang toothpastes na nagbibigay ng protection para sa gilagid o gums. Itanong ito sa iyong dentista kung available at bagay para sa iyo.
Reference Info from WebMD