May Butlig Sa Kilikili – Pimples ba ito?

Ang kilikili mo ba ay may butlig na nakabukol? Ang mga ganitong sintomas ay pwedeng may kaugnayan sa balat ngunit pwede ring ito ay dahil sa isang sakit. Alamin kung ano ang sanhi ng butlig sa kilikili.

Sintomas ng Butlig sa Kilikili

Ang sintomas na ito ay madalas nasa ibabaw ng balat. Ang iyong kilikili ay pwedeng magkaroon ng mga sumusunod na sintomas:

May masakit na butlig sa kilikili

Pimple sa buhok sa kilikili

Namamaga ang kilikili at may bukol

Namumula ang butlig sa kilikili

Posibleng Sakit ng May Butlig sa Kilikili

Ang butlig ay pwedeng nasa ibabaw lamang ng balat. Kung ito ay hindi naman malaki, maaaring ito ay pimple lang na kung saan ang pores ng balat ay pwedeng nabarahan at na-infect.

Kung ang butlig naman ay may kasamang namamagang paikot na bilog sa balat, pwedeng ito ay isang pigsa o boils.

Sa isang banda, ang bukol sa kilikili na matigas, ay pwedeng isan lymph nodes na namamaga o kaya naman tumor na cancer.

Gamot Sa Kilikili na may Butlig

Ang balat ng kilikili ay pwedeng ma-infect at magkaroon ng parang pimple. Kung ito ang nangyari sayo, ikonsulta ito sa doctor. Kung ang dahilan naman ay may kinalaman sa tumors o lymph nodes, ito ay may karampatang gamot at treatment rin.

Doctor Para sa Butlig sa Kilikili

Ang doktor na dapat mong konsultahin ay isang dermatologist. Siya ang unang susuri sa balat ng iyong kilikili at pwede ring magbigay ng gamot. Kung ang sakit mo naman ay dahil sa ibang rason, mabuting kumonsulta muna sa isang family medicine upang malaman ang espesyalista na bagay sa iyong sitwasyon.

Pagkain at Vitamins Para sa Kilikili

Ang kilikili ay may parte ng balat. Kung ito ang iyong nais palusugin, ang pagkain ng may vitamins at minerals ay makakatulong sa iyong immune system. Kung sa balat, mainam ang Vitamins E at C.

Source: Healthline



Last Updated on September 6, 2019 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / May Butlig Sa Kilikili – Pimples ba ito?