may sumasakit ba sa ilalim ng bayag mo? Ito ay madalas maramdaman sa ilalim ng katawan. Kung ang pananakit ay biglaan o kaya naman ay tumatagal na ng ilang araw, dapat mong alamin kung ano ang sanhi nito. Ang ilang karamdaman at kondisyon sa kalusugan ay pwedeng magdulot ng ganitong sintomas.
Mga Nararamdaman na Sintomas
Masakit sa gitna ng itlog at butas ng puwet
Sumasakit ang ilalim ng bayag ng lalaki
May tumutusok na sakit sa pagitan ng bayag at puwet
Masakit ang ilalim ng bayag o itlog kapag umuupo
Ano Ang Posibleng Dahilan o Sakit?
Ang pananakit sa bahagi na ito ay pwedeng dahil sa muscle strain. Kung ikaw ay nakaupo sa isang matigas na bagay ng matagal, pwede itong sumakit. Ang isang halimbawa nito ay pagsakay sa motorsiklo o bisikleta ng matagal.
Ang sakit sa ilalim ng bayag at gitna ng singit ay pwede ring may kinalaman sa ilang diseases. Isang pwedeng dahilan nito at UTI o urinary tract infection. Sa ilang pagkakaton, pwede rin itong sumakit kung ito ay may kinalaman sa:
Prostate cancer
Nerve damage
Tumor
Colon Cancer
Testicular Cancer o Cancer sa Bayag
Ano Ang Lunas?
Paano gamutin ang masakit na ilalim ng itlog? Ang bayag ay dapat na ingatan at hindi mabunggo sa matigas na bagay. Kung ang ilalim nito na gitan ng puwet ay sumasakit, ipasuri ito sa isang doktor para makagawa ng tests.
Ano Ang Doctor Para sa Sumasakit na Gitna ng Bayag?
Pwede mo itong ikonsulta sa isang urologist. Ang mga tests na maaaring ipagawa sayo ay ultrasound, rectal exam o kaya naman urinalysis. Sumangguni sa isang doktor para malaman kung ano ang karamdaman mo.
Mga Bawal Gawin at Kainin
Umupo sa komportableng upuan. Huwag gumamit ng matigas na bagay bilang sapin sa puwet. Uminom din ng maraming tubig kung ito ay may kinalaman sa ihi o pagtae.