Sumasakit ba ang sentido mo? May mga taong nakakaranas ng ganitong sintomas ngunit hindi kaagad nabibigyan ng lunas. Minsan, ang taong masakit ang ulo ay apektado ang kabuuan ng kanyang noo, sentido, batok at leeg. Kung ang iyong pakiramdam ay nakakabahal, pwede kang magpatinign sa isang doktor.
Bakit Sumasakit ang Sintido Ko?
Ang sentido ay ang gilid na bahagi ng iyong noo. Ito ay kadalasan na sumasakit kapag nakakaranas ng sakit ng ulo sa kabuuan. Ang English ng sentido ay maaaring walang katumbas. Ngunit sa mga Pilipino, ito ay madaling maituro at ang pagsakit nito ay pwedeng malunasan.
Ang Ilan sa mga Dahilan ng Masakit ng Sentido ay:
- Natamaan ng matigas na bagay
- Nauntog
- Migraine
- Sumasakit na ulo sa kabuuan
Paano Ito Gagamutin?
Walang direktang gamot para sa masakit na sintido. Kung ito ay dahil sa muscles at buto, pwedeng magbigay ng pain reliever ang isang doktor. Kung ito naman ay dahil lamang sa pagod, pwede itong malunasan sa pamamagitan ng marahang masahe.
Ang sintido ay sensitbo rin na bahagi ng ulo kaya dapat itong ingatan sa mga untog, bunggo ay malakas na palo. Sa mga bata at sanggol, ang bahaging ito ng ulo ay malambot at dapat ingatan.
Kadalasang Sintomas Na Nararamdaman
- Parang iniipit ang sentido at gilid ng ulo
- Tumutusok na sakit
- Mahigpit na pakiramdam sa gilid ng ulo
- Gumuguhit na sakit
Maaari mong maramdaman ang sakit sa partikular na bahaging ito ng ulo kung ikaw ay may migraine. Ito ay pwedeng mangyari kapag ikaw ay stressed, buntis, nasa menopause stage, may tumor sa utak, diabetic at iba pa. Kung ang iyong porblema ay dahil sa impeksyon, maaari rin itong sumakit ng bahagya.
Massage Therapy
May ilang tao na nakakahanap ng ginhawa sa pamamagitan ng masahe o massage. Maaari mo itong subukan at alamin kung mababawasan ang pananakit. Pwede ka rin gumamit ng cold compress upang mabigyan ng panandaliang ginhawa ang iyong ulo at sentido.
Kanino Dapat Magpa Check Up
Ang doktor para sa ulo na sumasakit ay pwedeng isang family medicine o general medicine. Kung sa tingin mo ay may problema ka sa ulo, nerves at utak, pwede kang magpatingin sa isang neurologist. Huwag patagalin ang iyong mga sintomas ng mahigit sa isang araw lalo na kung ito ay hindi nawawala o lumalala.