Masakit na Regla – Abnormal Na Regla Kada Buwan

Masakit ba ang iyong puson kapag may regla? Madalas sa mga kababaihan, ito ay nangyayari kapag may dysmenorrhea. Kung ikaw ay may iba pang sintomas maliban sa masakit na puson kapag may menstruation, dapat kang pumunta sa isang doktor. Ang pagkakaroon ng regla kada buwan ay normal na bahagi ng pagiging babae. Ngunit ang pagkakaroon ng madalas na pananakit ay dapat na ikonsulta sa doktor.

Mga Sintomas

  • Masakit ang tiyan at puson kapag may buwanang dalaw
  • Regla na masakit sa puson
  • Masakit na regla na may lagnat at panghihina ng katawan
  • Regla na may buo buong dugo
  • Regla na hindi tumitigil
  • Masakit na puke kapag may regla

Ano Ang Posibleng Sanhi Ng Masakit Na Regla?

May mga babae na nagkakaroon ng cramps sa kanilang puson at tiyan kapag may regla. Ito ay posibleng mangyaru dahil sa dysmenorrhea. Ngunit may mga ilang pagkakataon na kung saan ang pananakit ay maaaring dahil sa sakit. Halimbawa nito ay ovarian cancer, uterus cancer at cervical cancer. Sa ilang pagkakataon, pwede rin na magkaroon ng masakit na pakiramdam kung ang babae ay malapit na mag-menopause.

Paano Ito Ginagamot?

May lunas ba para sa masakit na regla o menstruation? Ang dysmenorrhea ay lumilipas din ng kusa matapos ng ilang araw. Ang ibang doktor ay pwedeng magreseta ng pain reliever na pwedeng magbigay ng lunas. Kung ang dahilan naman ng pananakit ay dahil sa problema sa kalusugan, ang doktor ay pwedeng magbigay ng gamot para rito.

Ano Ang Doktor Para Sa Regla?

Ang OB Gyne o Gynecologist ay pwedeng konsultahin tungkol sa mga problemang pambabae at kalusugan. Siya rin ang dapat na tanungin ng kahit anong tungkol sa regla.



Last Updated on July 21, 2018 by admin

Home / Mga Sakit ng Babae / Masakit na Regla – Abnormal Na Regla Kada Buwan