May nararamdaman ka bang sakit sa paa kapag bumabangon? Maaaring may kinalaman ito sa iyong buto o muscles. Ang important ay malaman kung ano ang dahilan at lunas sa pananakit na ito.
Dahilan Ng Masakit Na Paa
Ang masakit na paa kapag bumabangon sa umaga ay maaaring may kinalaman sa arthritis. Ang mga buto at kasu-kasuan ay pwedeng magkaroon ng reaksyon sa lamig habang natutulog. Ang ibang tao naman ay pwedeng makaranas ng sintomas ng plantar fasciitis.
- Arthritis
- Plantar Fasciitis
- Injury sa paa
Lunas sa Masakit na Paa
Ang pananakit ng paa ay pwedeng mabigyan ng lunas depende sa rekomendasyon ng doktor. Ang isang halimbawa nito ay pain reliever na mabibili sa pharmacies. Kung kailangan ng physcial therapy, maraming ospital ang pwedeng magbigay ng serbisyo na ito.
Doctor Para sa Paa
Ang isang family medicine doctor or internal medicine ay pwedeng tumingin ng mga karamdaman sa paa. Kung ito ay palaging masakit tuwing bumabangon pagkagising, pwede itong ipa tingin sa isang doctor.
Hindi Makatapak
Kung may pananakit ng paa kapag tumatapak, ito ay isang medical condition na dapat makita ng isang espesyalista. Pwedeng ikonsulta ito sa orthopedic surgeon or kung may pamamanhid at panghihina, pwedeng ang isang neurologist ang tumingin nito.