May nararamdaman ka bang sakit sa iyong ngala ngala? Huwag itong pabayaan dahil may ilang dahilan na pwedeng makasama sa iyong kalusugna. Minsan, ang simpleng pananakit gaya nito ay maaaring sintomas ng isang sakit.
Sintomas
Ang ngala-ngala ay ang taas na bahagi ng bunganga. Sa English ito ay tinatawag na palate. Kapag ito ay may problema, pwede itong sumakit. Ilan sa posibleng sintomas ay masakit na taas ng bunganga sa loob, makati ang ngalangala, sumasakit ang ngala ngala kapag kumakain o binubuka ang bunganga.
Ano Ang Posibleng Sanhi?
Ang isang posibleng sanhi ng masakit na ngalangala ay oral cavity cancer. Ang cancer sa anumang bahagi ng loob ng bunganga ay dapat ipasuri agad sa doktor. Ilan sa mga posibleng dahilan ng oral cavity cancer ay paninigarilyo, pag-inom ng alak, mga sugat o iritasyon sa bunganga na hindi nawawala.
May Gamot Ba?
Ang gamot sa cancer na ito ay depende sa mga rekomendasyon ng doktor. Kung ikaw ay may cancer, pwede itong gamitan ng chemotherapy o radiation depende sa sasabihin ng doktor.
Dapat mo ring malaman na hindi lahat ng sumasakit na ngalangala ay cancer agad. Maaaring may iba pang dahilan kung bakit meron ka nito. Halimbawa, kung ikaw ay nakakain ng matigas na pagkain, pwede itong tumama sa taas ng bahagi o kaya magkasugat.
Dahil dito, important na magpasuri agad sa doktor kung may nararamdaman kang kakaiba sa anumang bahagi ng iyong katawan.
Anong Klaseng Doktor Para sa Ngala ngala?
Ang oral cavity o loob ng bunganga ay pwedeng ipasuri sa isang ENT na doktor o Ears Nose Throat. Pwede mong sabihin ang mga nararamdaman mong pananakit sa loob ng bunganga upang masuri ito.