Kapag ikaw ba ay pumipikit may nararamdaman kang masakit sa likod ng mata? Ito ay posibleng may kinalaman sa mga muscle ng mata at mga kaugatan ng optic nerve.
Ano Ang Mga Dahilan ng Masakit na Likod ng Mata
May ilang mga karamdaman na nagiging sanghi ng masakit na mata sa likod na parte nito. Ilan sa mga ito ay:
- Multiple sclerosis
- Irritation sa optic nerves (optic neuritis)
- Dengue
- Sinusitis
- Sakit sa ngipin o toothache
Bakit Ako Meron Nito
Gaya ng nabanggit, maaaring ito ay dahil sa mga karamdaman. Kung ikaw ay may nararamdamang sakit sa bahagi na ito, dapat mong ipakonsulta ito sa isang doktor.
Ano Ang Mga Sintomas?
- Masakit na likod ng mata kapag pumipikit ng madiin
- Masakit ang mata kapag nagagalaw ng kamay
- May pananakit kapag ginagalaw ang mata pagild at taas baba
Ano Ang Mga Dapat Bantayan
Maliban sa pananakit, dapat mo rin bantayan ang ilang sintomas na mahalaga upang malaman kung ano ang iyong sakit. Ito ay ang pamumula ng mata at pagkakaroon ng malabong paningin. Ang panlalabo ng paningin ay dapat bantayan dahil maaaring ito ay sintomas ng malalang sakit.
Nakakabulag Ba Ito?
May ilang karamdaman na dapat mong alamin upang mapangalagaan any iyong paningin habang maaga. Ang simpleng pananakit ng mata ay maaaring walang kinalaman sa paningin. Ngunit importante na ikaw ay may alam din sa mga sintomas ng cancer, katarata (cataract), glaucoma, sore eyes, conjunctivitis asthma at iba pa.
May Gamot Para Sa Masakit Na Mata?
Ang pananakit ay sintomas ng isang kalagayan sa kalusugan. Kung ikaw ay meron nito na tumatagal ng ilang araw, marapat na pumunta sa isang doktor upang malaman ang sanhi.
Ang gamot na pwedeng ibigay ay depende sa makikitang sanhi ng iyong sintomas. Halimbawa, maaaring may ibigay na pain reliever, eye drops at iba pa depende sa iyong problema.
Anong Doktor Ang Para Sa Masakit na Mata
Ang isang ophthalmologist ay ang doktor na gumagamot ng sakit sa mata. Pwede kang pumunta sa pinakamalapit na ospital para matingan at masuri ang iyong kalagayan.