Masakit Na Kuyukot – Ano Ang Dahilan ng Sumasakit na Tailbone

Ang tailbone o kuyukot ay ang pinakadulong buto na matatagpuan sa likod bago ang hiwa ng puwet. Ito ay konektado sa vertebra na sumusuporta sa spinal cord. Minsan, pwede itong sumakit at may mga dahilan kung bakit ito nangyayari.

Mga Sintomas ng Masakit Na Kuyukot

Masakit ang kuyukot kapag umuupo o nakatayo

Biglan masakit and hiwa ng puwet o buntot na buto

Parang manhid ang kuyukot

Ano Ang Mga Dahilan

Ang isa sa posibleng dahilan ay ang pagkahulog. Kung ikaw ay nahulog at biglang napaupo, pwede itong sumakit at magkaroon ng injury. Maselan ang bahaging ito na pwede ring sumabay sa damage sa iyong lumbar.

Isa pa sa posibleng dahilan ng masakit na dulo ng puwet ay magkakaroon ng herniated disc. Kapag ang iyong lumbar ay nadamage, pwedeng lumabas ang malambot na gel na sumusuporta dito at siyang magpapasakit sa iyong kuyukot.

May ilang pagkakataon na sumasakit ang buntot na buto dahil sa katandaan. Ang mga taong may sakit sa buto o kaya naman ay arthritis ay pwedeng makaranas ng ganitong sintomas.

Paano Ito Nagagamot?

May mga pain reliever na pwedeng magamit para sa pananakit. Ngunit importante na ikaw ay magpakonsulta muna sa doktor upang malaman kung ano ang dahilan ng iyong sakit.

Samantala, huwag muna masyadong maglakad na matagal o umupo ng matagal. Iwasan rin magbuhat ng mabibigat ng bagay. Siguruhin na kumakain ka ng masustansyang pagkain.

Pwede Ba Ako Magpamasahe

May ilang pagkakataon na pwedeng makatulong ang simpleng masahe o kaya naman exercise. Ngunit important na alamin mo muna ang tunay na dahilan sa pagsangguni sa isang doktor. May ilang test na pwede niyang gawin gaya ng x-ray.



Last Updated on February 27, 2019 by admin

Home / Mga Sakit At Sintomas Nito / Masakit Na Kuyukot – Ano Ang Dahilan ng Sumasakit na Tailbone