Masakit ba ang kuko mo kapag ito ay natatamaan? Hindi ka nag-iisa dahil marami ring tao ang nakakaranas nito. Minsan, ang simpleng problema ay dahil lamang sa pisikial na dahilan. Kung ikaw ay may nararamdamang sakit sa bahagi na ito, dapat mong alamin ang posibleng sanhi.
Sumasakit Ang Kuko
Ano ang karaniwang sintomas nito? Iba iba ang pwedeng maramdaman ng tao sa bahagi na ito ng kamay at paa. Ngunit ilan sa mga sintomas ay:
- Masakit ang kuko kapag pinipisil
- Masakit na kuko sa ilalim na parte
- May itim at namumula ang kuko sa kamay o paa
- Masakit kapag hinahawakan ang kuko
- Sumasakit ang kuko kapag nadidiinan
Ano Ba Ang Sanhi ng Masakit Na Kuko?
Ang trauma ay isang dahilan ng pananakit ng kuko. Kapag nadaganan o natamaan ang iyong kuko ng mabigat na bagay, pwede itong sumakit ng ilang araw. Mapapansin mo rin na ito ay namumula sa ilalim o kaya may namumuong dugo sa ilalim ng kuko.
Pwede ka rin makaramdam ng parang tumutusok na sakit sa kuko. Kung ikaw ay natusok ng matalim na bagay, pwede itong dumugo at sumakit.
May ilang karamdaman na pwedeng magdulot ng sakit sa kuko gaya ng nerve damage, eczema, diabetes at iba pa. Maaari kang kumonsulta sa isang doktor. Ang ganitong karamdaman ay pwedeng ikonsulta sa isang dermatologist dahil parte pa rin ng balat ang mga kuko.
Ano Ang Gamot Sa Masakit Na Kuko?
Madalas, ang ganitong karamdaman ay kisang gumagaling ng ilang araw. Malalaman mo na wala na ang sakit nito kapag nag-heal na ang trauma sa ilalim nito. Ngunit kung patuloy na ito ay sumasakit o nagkaroon ng ibang kulay, dapat kang pumunta sa isang doktor.
Paano Malalaman Kung Patay Ang Kuko?
Marami sa atin na inaakalang patay na ang kuko kapag ito ay maitim. Ngunit pwede pa rin itong magrecover kung hindi masyado nasira ang tissues. Ilan sa posibleng dahilan ng maitim na kuko ay ang pagkakaroon ng impeksyon nito gaya ng fungal infection.
Kung ito naman ay naninilaw, pwede rin ito dahil sa impeksyon. Dapat na ito ay makita ng isang doktor upang malaman mo ang lunas.