Masakit ba ang ilalim ng paa kapag umaapak sa sahig? Minsan, kahit na may malambot na sapatos o tsinelas ay maaari pa ring makaramdam ng masakit na paa sa ilalim kapag ikaw ay may plantar fasciitis.
Ano Ang Mga Sintomas Nito?
Ang isang tao na may pananakit sa ilalim ng paa ay maaaring makaranas ng ilang sintomas kapag ito ay inaapak sa matigas na bagay. Ilan sa mga ito ay:
- Parang masakit na tusok sa ilalim ng paa
- Masakit ang paa kapag nilalakad pagkagising sa umaga
- Pananakit ng ilalim ng paa matapos maglakad o mag-ehersisyo
- Parang binabatak o binabanat na paa kapag naglalakad
- Masakit sa ilalim ng paa sa unang apak
Ano Ang Mga Posibleng Dahilan Nito?
May ilang kondisyon na pwedeng magdulot ng pananakit ng paa sa bahaging ito. Isa sa posibleng dahilan at plantar fasciitis. Ito ay ang pamamaga ng ilalim ng paa na may pagbatak sa muscles at tissue.
May ilan pang pwedeng sanhi nito gaya ng matinding ehersisyo, paulit ulit na paglalakad sa hindi pantay na sahig, pagkakaroon ng mga punit sa ilalim ng paa.
Paano Ito Ginagamot?
Ang lunas para sa plantar fasciitis, kung ito man ang iyong kondisyon, ay simpleng masahe at partikular na exercises para rito. Maaari kang kumonsulta sa isang doktor upang malaman kung anong gamot ang iyong pwedeng inumin sa pananakit.
Ilan sa mga posibleng ibigay ng doktor ay pain reliever. Maaari rin siyang magrekomenda ng physical therapy. Para sa ilang pasyente, ang paggamit ng mga splint, shoe orthoics at minsan surgery ay kailang kung ito ay malala na.
Iba Pang Solusyon
Ang dahan dahang pagmasahe sa ilalim ng paa ay pwedeng makabawas ng pananakit. Ngunit dapat na ito ay bigyan din ng marahang exercise para maibalik sa dati ang kodisyon ng muscle fibers.
Ang isang uri ng ehersisyo sa plantar fasciitis ay ang dahan dahang pag-akyat baba sa hagdan o pagbanat ng mga daliri sa paa para mastretch ang mga ito. Huwag itong gawin kung ito ay hindi nirekomenda ng isang doktor dahil iba-iba ang kondisyong ng muscle fibers ng bawat tao. Makakabuti kung ikaw ay magpatingin sa doktor kung ang sintomas ay hindi nawawala sa loob ng ilang araw.