Masakit Na Ilalim Ng Bayag Kapag Nakaupo

Sumasakit ba ang ilalim ng bayag mo kapag ikaw ay nakaupo? May mga lalaking nakakaranas ng ganitong sintomas at importante na malaman kung ano ang sanhi nito. Sa mga mas matandang lalaki, dapat na alamin kung ito ay may bukol upang makaiwas sa testicular cancer.

Sintomas Ng Masakit Na Bayag Sa Ilalim

Ang bayag na may pananakit sa ilalim ay pwedeng makaranas ng:


Masakit kapag hinahawakan ang bayag

Sumasakit ang bayag kapag nakaupo

Masakit na bayag kapag naglalakad

Masakit na bayag kapag naglalabas ng tamod o sperm (semilya)

Masakait na bayag kapag naka-brief

Bakit Ito Sumasakit?

May ilang mga karamdaman na pwedeng magdulot ng pananakit sa bayag kapag nakaupo. Kung ikaw ay may bukol, mas lalong dapat itong ipatingin sa isang doktor. Ang masakit na bayag na may bukol at pwedeng dahil sa testicular cancer o kanser sa bayag.

Sa isang banda, hindi lahat ng masakit na bayag ay cancer na kaagad. May mga pagkakataon na ito ay dahil laman sa luslos, maling posisyon ng pagkakaupo, trauma o injury na natamaang bayag o kaya naman at hindi magandang underwear.

Paano Ito Gamutin?

Ang sakit sa bayag ay dapat na ikonsulta sa isang doktor. Kapag ikaw ay may sintomas na ng ilang araw, importante na ito ay makita ng isang doktor gaya ng urologist. May mga doktor na pwede ring tingnan ang iyong sintomas gaya ng family medicine o general medicine.

Paano Iwasan Ang Sakit Sa Bayag

Ang cancer ay isa sa pinakamalalang sakit na pwedeng makuha ng bayag. Importane na marunong kang gumawa ng testicular cancer test para kapain kung ikaw ay may bukol. Anumang pananakit sa katawan ay dapat ikonsulta sa isang doktor.

error: Copyright Protected!