Masakit na Balakang at Likod – Sanhi at Paano Gamutin

Masakit ba ang balakang mo kasama ang bandang ibaba ng likod? Madalas na ito ay nangyayari sa mga may edad na pero pwede ring maranasan ito ng mas bata. Minsan, may pagkakaiba ng sanhi ang masakit na balakang sa lalaki at babae. Ang importante ay masuri ito ng maaga para hindi lumala.

Bakit Sumasakit ang Balakang Ko?

May mga sanhi ng masakit na balakang na dapat matingnan ng doktor. Ito ay ang mga sumusunod:

Look: Doktor Sa Iyong Sintomas

Arthritis – ito ay madalas sa mga taong may edad na kung saan nagkakaproblema ang mga kasu-kasuan kasama ang balakang at bewang. Ang masakit na baywang hanggang likod kapag gumagalaw ay isang sensyales ng arthritis.

See: Ano Ang Gamot Sa Arthritis

Pagod – nangyayari ito sa matagalang pagtayo o malayuang paglalakad at pagtakbo. Kadalasan, pahinga at masahe lang ang lunas para rito.

Luslos or hernia – may mga taong sumasakit ang bandang ibaba ng likod kapag sila ay may luslos.

Cancer – Ang prostate cancer sa mga lalaki at maaari ring magdulot ng masakit na bewang at balakang. Kadalasan, ito ay may kasamang iba pang sintomas gaya ng hirap sa pag-ihi, pagbawas ng timbang at iba pa.

See: Senyales ng Prostate Cancer

Sa mga babae, ang pagkakaroon ng cervical cancer, ovarian cancer at uterus cancer ay pwedeng magdulot ng masakit na balakang. Dapat magpasuri sa doktor kung may mga sintomas na nararamdaman.

Ang colon cancer ay pwede ring maging dahilan ng sintomas sa balakang. Dahil ito ay nasa ibabang bahagi ng katawan, ang pakiramdam ay nangyayari sa balakang kapag malala na ang kanser.

Mga Test Na Gagawin

Iba iba ang test at pagsusuri na pwedeng gawin kapag masakit ang iyong balakang. Ang ilan sa mga ito ay depende sa hinala ng doktor:

  • Ultrasound
  • Urinalysis
  • Colonoscopy
  • Prostate exam
  • Digital Rectal exam
  • Pap smear
  • X – ray
  • MRI at CT Scan

Ano ang Gamot sa Masakit na Balakang

Paano gamutin ang masakit na balakang? Importante na ikaw ay masuri muna para malaman ang tamang gamot sa iyong sintomas. Ang ilan sa mga ito ay maaaring gamitin o irekomenda ng doktor para mawala ang sakit sa balakang:

  • Pain reliever – mga gamot na iniinom o tinuturok
  • Chemotherapy o radiation therapy – sakit sa balakang na may kinalaman sa cancer (kanser)
  • Physical Therapy – para mapabuti ang lagay ng mga buto at muscles o kalamnan
  • Massage therapy – kung ang pananakit ay dahil lamang sa pagod at strain sa muscles.

More: Mga Sintomas ng Cancer

Mga Dapat Iwasan Gawin

Kapag masakit ang ibabang likod o balakang, importante na huwag munang gumawa ng mabibigat na bagay. Limitahan din ang mga nakakapagod na gawain gaya ng pagtayo ng matagal, paglalakad ng malayo at mabigat na ehersisyo.

Pwede Ba Akong Magbuhat ng Mabigat?

Iwasan muna ang pagbubuhat ng mabigat halimbawa kung ikaw ay pumupunta sa gym.

Mga Pagkain na Gamot

Madalas na walang pagkain ang pwedeng makagamot sa balakang na masakit. Ito ay depende rin sa payo ng doktor na dapat mong sundin.

Masakit na Balakang sa mga Bata

Bihira ang masakit na baywang sa mga bata. Kung ito ay mangyari, madalas na panandalian lamang. Ngunit ang isang aksidente gaya ng bali sa buto, pagkahulog o pagkabunggo at pwedeng makasakit sa balakang.


Last updated on

error: Copyright Protected!