Marahil ay sumasakit ang ulo mo kapag ikaw ay umuubo. Sa madalas na pag-ubo, ang buong ulo ay pwedeng sumakit na parang pumipintig at lumalaki. Alamin natin kung ano ang posibleng dahilan nito.
Sintomas ng Sakit sa Ulo at Ubo
Sumasakit ang ulo kapag inuubo
Parang sasabog ang ulo kapag nauubo
Ubo at sakit ng ulo sa bandang batok
Parang pumipintig na sakit ng ulo
Dahilan ng Sumasakit na Ulo
Isa sa posibleng dahilan nito ay tension headache. Kapag ikaw ay umuubo, ito ay pwedeng makaapekto sa mga muscles ng iyong ulo mula batok, sentido at ibabaw nito.
Sa isang banda, ang pagkakaroon ng masakit na ulo kapag umuubo ay pwede ring dahil sa pag iiba ng blood pressure sa katawan. Kapag inuubo, ito ay pwedeng makaapekto sa daloy ng iyong dugo.
Cancer or Tumor
May ilang pagkakataon na kapag ang isang tao ay masakit ang ulo kapag inuubo ito ay dahil sa tumor sa utak. Dahil sa hindi balanseng pressure, ang tumor ay pwedeng magdulot ng masakit na bahabi ng ulo.
Defect sa Bungo
Ang ilang tao na may depekto sa bungo ay pwedeng magdulot ng pananakit ng ulo kapag umuubo. Ito ay maaaring may epekto rin dahil sa mga fluid na may tagas sa bandang ulo at iba pa.
Gamot Para sa Sakit ng Ulo
Ang mga sakit na ulo na karaniwang nararanasan ay pwedeng magamot ng mga pain reliever. Kung ang iyong mga sintomas ay nakakabahala, importante na ikonsulta agad ito sa isang doctor.
Ano Ang Doctor Para sa Sakit ng Ulo
Ang masakit na ulo tuwing umuubo ay pwedeng ipa check up sa isang ENT na doktor. Pwede rin itong ikonsulta sa isang neurologist kung sa tingin mo ito ay may kinalaman sa utak at nerves.
Pagkain at Vitamins
May mga pagkain ba na pwede sa sakit ng ulo? Ang pagkain ng masustansya at kumpleto sa vitamins ay makakatulong para maging malakas ang iyong katawan at maiwasan ang pananakit ng ulo.
Source: Mayoclinic