Bakit masakit ang ulo ko kapag umuubo? Kung ito ay isang sintomas na palagi mong nararamdaman, importante na malaman mo kung ano ang dahilan ng iyong pag-ubo. Maraming tao ang nakakaranas nito at importante na malaman kung ano ang sanhi ng pag-ubo na siyang nagdudulot ng masakait na ulo.
Ano ang mga sintomas?
Masakit ang buong ulo kapag umuubo
Sumasakit and ulo at batok sa pag-ubo
Parang puputok ang ulo kapag umuubo
Bakit ito nangyayari?
Ano ang sanhi ng masakit na ulo sa pag-ubo?
Ang pag-ubo ay natural na reflex ng katawan kapag ang iyong baga o lalamunan ay may iritasyon. Pwede itong dahil sa plema, impeksyon at allergy. Ngunit ang pagkakaroon ng masakit na ulo ay minsang nagpapalala pa ng kondisyon. Kapag ikaw ay umuubo, ang pressure sa iyong pantaas na bahagi ng katawan ay tumataas din, ito ang siyang nagpapasakit sa iyong ulo.
May mga posibleng dahilan kung bakit ito nangyayari, minsan ang pagkakaroon ng abnormal na hugis ng bungo ang nagdudulot nito. Sa mga taong may tumor sa ulo na hindi nila alam, ang pagkakaroon ng masakit na ulo habang umuubo ay posibleng dahil dito.
May mga pagkakataon rin na simpleng straining lang ng muscles ang dahilan ng sakit na ulo dahil pwersado ang mga muscles sa leeg at dibdib. May mga pagkakataon rin na ito ay dahil sa mahinang blood vessels sa ulo at utak na siyang nagpapasakit.
Ano Ang Lunas?
Ang gamot sa masakit na ulo kapag umuubo at dapat na ibigay ng isang doktor kapag nagpakonsulta ka. Huwag balewalain ang sintomas na ito lalo na kapag madalas itong mangyari o kung lumalala. Importante na magpakonsulta sa isang doktor upang malaman ang gamot.
May Lung Cancer Ba Ako?
Maaaring iba ang mga sintomas ng lung cancer at ito ay pwede rin magdulot ng pananakit sa ulo. Kapag ang cancer cells ay kumalat sa ibang bahagi ng katawan, pwede itong magdulot ng pananakit.