Nakakaranas ka ba ng masakit na tiyan kapag dinidiinan? Kung ang iyong sintomas ay may kasamang ibang sakit, dapat na malaman kung ano ang sanhi nito. Ang pananakit ng tiyan ay hindi dapat balewalain dahil maaaring ito ay may kinalaman sa sakit.
Sintomas na Nararamdaman sa Tiyan
Ang tyan na masakit kapag nadidiinan ay isang sintomas lamang. May iba pang maaaring kasabay nito:
- Masakit kapag dinidiinan ang itaas ng tiyan
- May masakit sa tiyan kapag gumagalaw, yumuyuko o lumiliyad
- Sumasakit ang loob ng tiyan kapag naglalakad o tumatayo
- Masakit ang tiyan kapag nabubunggo
Dahilan at Sanhi
May ilang posibleng sakit na sakit sa tiyan kapag hinahawakan. Isa rito ay ang pagkakaroon ng ulcer. Kung ang tiyan o sikmura ay namamaga sa loob at may sugat, ito ay pwedeng makapa at sumakit.
Appendicitis – ang isang infection sa appendix ay pwedeng magdulot ng pananakit kapag nadidiinan ang tiyan. Ito ay nasa bandang ibaba na bahagi na pwedeng dumamay sa puson, sikmura at tagiliran.
Infection sa sikmura – ang pagkakaroon ng nana o infection sa sikmura ay pwede ring magpasakit nito. Nangyayari ito sa stomach, large intestine o kaya naman colon.
Sa mga babae, pwedeng ito ay dahil sa isang cyst o tumor sa ovary. Kung ito ay pumutok, pwede itong magdulot ng pananakit.
Ano Ang Pwedeng Gamot?
Ano ang gamot sa masakit na tiyan kapag dinidiinan? Importante na ito ay matingnan ng isang doktor para malaman kung ano ang dahilan. May mga medical tests na pwedeng irekomenda gaya ng CT scan, ultrasound, MRI o kaya naman blood test.
Ano Ang Klase ng Doctor na Dapat Konsultahin?
Para sa mga pananakit ng tiyan, ang isang gastroenterologist ay pwedeng tumingin ng iyong sintomas. Makakabuti kung ikaw ay magtungo sa isang doctor at ibigay ang lahat ng iyong nararamdaman.
Mga Pagkain Para sa Sakit ng Tiyan
Kung ang iyong sintomas ay may kinalaman sa ulcer, importante na umiwas muna sa mga pagkain na maasim o yung nagdudulot ng sobrang acid sa sikmura.
Reference: Healthline