Masakit Ang Ngipin Kapag Kumakagat

Ano ang dahilan ng masakit na pagkagat ng ngipin? Ang pananakit ng ngipin ay isa sa pinaka malalang pakiramdam lalo na kapag ito ay nakakaapekto sa iyong gawain. Ang mga taong may ganitong sintomas ay mahirap gumawa ng pang araw-araw na gawain dahil ito ay nakakaabala. Ngunit may mga pagkakataon na sumasakit lamang ang ngipin kapag kumakagat.

Sintomas ng Masakit na Ngipin

Ang pananakit ng ngipin kapag kumakagat ang isa sa mga sintomas nito. Kapag ikaw ay kumakain, ang iyong ngipin ay exposed sa madiin na pagkagat dahil sa pressure nito. Kung mas matigas pa ang iyong kinakain, maaari itong maging sanhi ng masakit na ngipin.

Mga Sanhi ng Ngipin na Masakit kapag Kumakain

Kapag ikaw ay kumakain, ang iyong mga ngipin at nagkakaroon ng pressure dahil ito ay tumatama sa pagkain at parehong ngipin. Kung ikaw ay may bulok na ngipin, pwede itong sumakit kapag kumakain. Ilan sa mga posibleng dahilan ay:

Bulok na ngipin sa loob

May leak ang iyong pasta

May bacterial infection sa ugat ng ngipin

Sira ang ngipin

May nakasiksik na pagkain o tinga

Paano Gamutin Ang Masakit na Ngipin

Ang ngipin na sumasakit kapag kumakagat o kumakain at pwedeng magamot sa pamamagitan ng pasta. Ngunit ang dentista lamang ang pwedeng magrekomenda nito. Ang pasta at tinatakpan ang butas ng ngipin para hindi matamaan ang nerves nito at pulp.

May procedure na kung tawagin ay root canal. Papatayin ang nerve para hindi na ito sumakit pa ulit. Ngunit dapat mo munang itanong sa dentista kung ito ay pwede sa iyo.

Ang sensitive teeth ay pwede ring sumakit kapag ito ay pinangkakagat, nadadaluyan ng mainit o malamig na tubig at iba pa. May mga toothpaste na pwedeng panandaliang solusyunan ang ganitong sintomas.

Dapat Ko Bang Ipabunot ang Ngipin?

Kung sa tingin mo ay nagbibigay ito ng patuloy na hirap sa iyo, pwede mong itanong sa dentista kung makakabuting bunutin na lamang ito.