May n araramdaman ka bang masakit sa iyong likod tuwing matutulog? Ang mga bahagi na pwedeng makaranas nito ay ang iyong likod at paypay o kaya naman sa bandang balakang. Kung ikaw ay nahihirapan humiga, importante na ito ay mabigyan ng lunas.
Sintomas na Nararamdaman
Ano ang posibleng sintomas ng ganitong sakit? Ilan rito ay ang pagkakaroon ng masakit na likod kapag humihiga. Pwede ring ikaw ay makaranas ng pangangalay o pamimitig ng likod at balakang. Sa isang banda, may mga tao na may sakit sa likod kapag babangon sa umaga mula sa tulog.
Ano Ang Dahilan ng Pananakit ng Likod sa Paghiga
Isa sa posibleng dahilan nito ay pagkakaroon ng arthritis. Ang ganitong sintomas ay pwedeng maging dahilan ng hindi pagkakatulog ng maayos. Ang mga buto mo sa likod ay pwedeng apektado ng iyong arthritis at ito ay sumasakit kapag nadidiinan.
Isa rin sa posibleng karanasan na dahilan nito ay pagkakaroon ng muscle strain o kaya cramps. Ang pamimitig ng muscles sa likod ay pwedeng dahil sa kakulangan ng ehersisyo.
Paano Ito Ginagamot
Ang pagkakaroon ng arthritis ay pwedeng malunasan sa pamamagitan ng pain reliever. May mga gamot na pwedeng inumin para mabawasan ito. Ngunit importante na ikaw ay kumonsulta muna sa doktor bago ito gamitin.
May mga pinapahid din na oil at liniment at patches na pwedeng makabawas sa pananakit lalo na kung ito ay dahil sa muscles. Kumonsulta sa isang doktor kung hindi ito nawawala.
Ano Ang Doctor Para sa Masakit na Likod
Kung ito ay tungkol sa mga buto at muscles, pwede kang kumonsulta sa isang orthopedic doctor. Maaaring ikaw ay pagawain ng tests gaya ng x ray o ultrasound depende sa evaluation ng iyong doctor.
Ano Ang Posibleng Sakit Dulot ng Ganitong Sintomas?
Arthritis
Lung cancer
Colon Cancer
Muscle Strain
Stress
Injury sa buto
Itanong sa doktor kung ano ang iyong posibleng solusyon para sa mga sakit na ito.