Masakit Ang Binti At Hita Kapag Nakahiga Ano Ang Ibig Sabihin?

Madalas bang sumakit ang binti at hita mo kapag nakahiga? Ang mga ganitong sintomas ay pwedeng may kinalaman sa nerves. Kung ikaw ay nakakaranas ng ilan pang pananakit, importante na malaman mo kung ano ang sanhi nito.

Mga Sintomas

Ang pananakit ng hita ay binti ay ilan sa pinakakaraniwang sintomas. Ngunit kung ito ay nangyayari kapag humihiga lang, may mga ilang karamdaman na pwedeng dahilan nito.

Masakit na binti at balakang kapag nakahiga

Nangangalay ang hita, binti at paa kapag humihiga

Masakit ang mga binti kapag matutulog na

Masakit ang legs at hita kapag babangon sa kama

Ano Ang Sanhi ng Masakit na Legs

Isa sa posibleng dahilan nito ay herniated disc. Kung ikaw ay may slipped disc sa lumbar o baywang at balakang, ito ay pwedeng tumatama sa iyong nerves pababa ng paa.

Sa isang banda, pwede ring ito ay dahil sa arthritis. Kung mataas ang iyong uric acid sa dugo, pwede kang magkaroon ng arthritis o kaya gout.

Paano Ito Ginagamot

Ang isang kondisyon gaya ng herniated disc ay may pamamaraan upang malunasan ito. Sa pamamagitan ng physical therapy, gamot na pain reliever at exercises, pwedeng guminhawa ang iyong pakiramdam.

Matagalan rin ang paggamot sa herniated disc at kailangan pagtyagaan. Ngunit sa mga ilang pagkakataon na malala, ito ay posibleng sumailalim sa surgery.

Ang arthritis naman ay pwedeng magamot sa pamamagitan ng ilang pain reliever na mabibili over the counter. Ngunit kailangan mo rin magpakonsulta sa isang doctor upang malaman kung ito ay arthritis nga at hindi isang malalang sakit.

Ano Ang Doctor Para sa Masakit na Binti

Ang isang orthopedic surgeon o kaya naman at rehab doctor ay makakatulong na sagutin ang mga tanong mo. Kung ang iyong sintomas ay lumalala, importante na ikaw ay kumonsulta sa isang doctor.

Gagaling Ba Ang Herniated Disc? Ang slipped disc ay posibleng gumaling ngunit may ilang pasyente na inaabot ng ilang buwan o taon bago guminhawa ang pakiramdam. Itanong sa doctor kung ano ang iyong options para rito.

Bakit Ito Sumasakit Tuwing Nakahiga Lamang?

May ilang posisyon na pwedeng makapagbigay ng sakit kapag may herniated disc. Madalas ito ay nangyayari kapag nakatayo, naglalakad o nakaupo. Sa ibang tao, ito ay pwedeng maging sanhi ng pananakit kapag nakahiga sa kama o malambot na kutson.

References: AANS



Last Updated on January 3, 2020 by admin

Home / Mga Sakit Sa Paa / Masakit Ang Binti At Hita Kapag Nakahiga Ano Ang Ibig Sabihin?