Sumasakit ba ang bewang mo kapag yumuyuuko? Maraming posibleng dahilan ang ganitong sintomas. Ngunit importante na malaman mo ang sanhi upang madaling makahanap ng lunas. Minsan, ang pananakit na tila nasa baywang ay maaaring galing sa ibang bahagi ng katawan.
Mga Karaniwang Sintomas Ng Masakit Na Beywang
- Sumasakit ang baywang kapag yumuyuko
- Parang naiipit na pakiramdam sa bewang at balakang
- Hindi makayuko ng maayos dahil masakit ang balakang
- Beywang na may tumutunog at masakit
Ano Ang Mga Sanhi Nito?
Iba iba ang posibleng sanhi ng masakit na baywang. Sa mga babae at lalaki, maaaring may kinalaman din ito sa kanilang kalusugan. Ang masakit na beywang kapag gumagalaw ay pwedeng dahil sa muscles, joints o buto.
Ilan sa posibleng dahilan ng masakit na baywang o hips ay:
- Arthritis at Rayuma
- Injury sa lumbar sa spinal cord
- Katandaan
- Slipped disc o herniated disc
- Pagbubuhat ng mabigat ng madalas
- Cancer sa colon, prostate, vagina, uterus o ovaries
May Gamot Ba Para Rito?
Ang sakit sa baywang o hips, kasama na ang balakang ay dapat na ipakonsulta sa doktor. Kung ito ay hindi nawawala ng ilang araw matapos uminom ng pain reliever, it ay dapat na isangguni sa espesyalista. May ilang malalang sakit na pwedeng magdulot ng masakait na ibabang bahagi ng likod at isa sa mga ito ay cancer.
Kung ang sanhi naman ng pananakit ay dahil sa buto, muscles o kaya naman ay injury o sobrang gawain at pagod, ito ay malulunasan. Alamin ang mga posibleng gamot at treatment para rito kapag ikaw ay nagpa-check up sa doktor.
Nabalian Ba Ako Ng Buto?
May ilang kondisyon na kung saan ang pagkabali sa buto sa baywang ang dahilan ng pananakit. Madalas ito ay sobrang sakit at hirap na ang pasyente na tumayo o umupo man lang. Ang hirap sa paglalakad, pamamanhid ng mga hita, binti at paa ay mga sintomas na pwedeng may kinalaman sa spinal cord. Pumunta agad sa emergency room kung ikaw ay naaksidente o nagtamo ng injury.