Sumasakit ang iyong bagang? Maaaring ito ay isang senyales na ikaw ay may bulok na ngipin. Madalas, ito ay nagiging sanhi ng pagsakit ng bagang na dapat ipatingin sa isang dentista. Alamin ang iba pang sintomas nito.
Ano ang Sintomas ng Bulok na Ngipin?
Kung ikaw ay may duda sa iyong ngipin, maaaring hindi mo agad makita ang bulok nito. Ang cavities o butas sa ngipin ay pwedeng magdulot ng pananakit. Ang mga sintomas ay pwedeng:
Masakit na bagang at nangingilo
Masakit na ngipin sa loob nito kapag kumakagat
Sobrang sakit ng ngipin bigla bigla
Masakit ang ngipin at bagang kapag mainit o malamig ang kinakain
Masakit ang ngipin kahit hindi bulok
Ano Ang Sanhi?
Ang bagang ay pwedeng may butas na pala o kaya naman ay nabubulok na sa loob ng hindi mo alam. Kung ikaw ay may pasta sa bagang, pwede itong magkaroon ng leak na kung saan ang loob pala nito ay bulok na.
May mga sitwasyon din na kung saan ang pagsakit ng ngipin ay dahil sa sensitive tooth. Pwedeng may irritation sa nerves nito kaya sumasakit.
Ano Ang Dapat Gawin
Ang dentista mo ay pwedeng magbigay ng test kung may problema sa iyong bagang. Ang first molar at second molar ay pwedeng pukpukin ng iyong dentista nang marahan upang malaman kung masakit ito.
Ngunit may ilang pagkakataon na pwede ring ang iyong wisdom tooth ang sanhi. Kung ito ay impacted o nasa ilalim, pwede ito magdulot ng referred pain o pagsakit sa ibang ngipin. Ang iyong dentista ang magsasabi kung ito ay kailangan nang tanggalin sa surgery o kaya naman ang pagbibigay ng root canal sa iyong sumasakit na ngipin.
Ano Ang Lunas o Gamot sa Masakit na Bagang?
Pansamantala, pwede kang gumamit ng pain reliever kung hindi mo na matiis ang sakit. Magtanong sa iyong botika kung ano ang pwede mong inumin na over the counter pain relievers. Siguruhin laman na wala kang allergy sa mga ito.
May toothache drops din na nabibili at pwede mo itong itanong sa iyong pharmacist. Ugaliin magpacheck up sa dentista kapag ikaw ay nakakaramdam ng sakit sa bagang o molars.