Ang ihi mo ba ay laging masangsang ang amoy? Maaari itong may kinalaman sa iyong kalusugan. Kung parating mapanghi ang ihi mo, dapat mong bantayan ang iba pang posibleng sintomas na may koneksyon sa posibleng sakit. Bakit mapanghi ang ihi ko? Kung ito ay palaging nangyayari sa iyo, dapat mong ikonsulta sa isang doktor ang iyong sintomas.
Mga Senyales
Ang mga sintomas na mabaho ang ihi ay posibleng may kinalaman sa iyong ininom o kinain sa nakalipas na ilang oras. Ang pagkakaroon ng mapanghi na ihi ay natural lamang depende sa iyong kinain. Ngunit may ilang tao na nababahala kapag palaging mapanghi ang ihi na lumalabas sa kanila. Ilan sa posibleng sintomas ay:
- Mapanghi na ihi
- Mainit at mahapdi na ihi
- Dark yellow o dark orange na ihi na may amoy
- Amoy masangsang na ihi
Ano Ang Posibleng Sanhi?
Ang ihi ay normal na mapanghi lalo na kapag mataas ang uric acid. Ngunit may ilang kondisyon sa kalusugan na pwedeng maging dahilan ng mabahong ihi. Ilan sa mga ito ay sakit sa bato o kidney, hindi maayos na pagkatunaw ng pagkain, sobrang pagkain na mataas sa uric acid, sakit sa dugo at iba pa.
Kung ikaw naman ay may sakit na STD, ito ay posible ring makaapekto sa amoy ng ihi pati na ng kulay nito. Dapat kang kumonsulta sa isang doktor gaya ng urologist upang malaman kung normal lamang ang iyong ihi.
Ano Ang Dapat Na Gamiting Na Gamot?
Ang pagkakaroon ng mapanghi at mapulang ihi ay pwedeng magbago depende sa dami ng iniinom mong tubig sa isang araw. Makakatulong ang tamang pag-inom ng tubig upang mabalanse ang mga kemikal sa loob ng iyong katawan. Ito rin ay importante para hindi ka ma-dehydrate.
Kung ikaw ay may iba pang sintomas gaya ng masakit at hirap na pag-ihi, importante na ito ay matingnan ng isang doktor.