Bigla na lang ba namamanhid ang braso mo? Pwede itong mangyari sa parehong kanan at kaliwang braso. Kung ito ay nararanasan mo ng biglaan, dapat kang magpakonsulta agad sa isang doktor para sa posibleng stroke.
Ano Ang Pwedeng Maramdaman?
Namamanhid ang braso sa gabi bago matulog
Nagigising at manhid ang braso
Masakit na manhid na braso pagkagising sa umaga
Biglaang manhid ng braso nang walang dahilan
Ano Ang Mga Dahilan Nito?
May mga ilang karamdaman na pwedeng magdulot ng pamamanhid ng mga braso. Isa rito ay stroke. Ito ay maaaring biglaan o dahan dahan.
Importante na bantayan mo ang ilan pang sintomas ng stroke upang makatakbo agad sa emergency room. Dapat mo ring tandaan na hindi dahil namamanhid ang braso mo ay may stroke ka na. May iba pang dahilan kung bakit ito nangyayari.
Isa pang sanhi ng pamamanhid ay diabetes. Ang diabetes ay pwedeng magdulot ng damage sa nerve kaya ito ay posibleng mamanhid.
Ang damage sa spinal cord ay posible ring magdulot ng manhid na braso. Ito ay madalas nangyayari sa spinal cord malapit sa batok o leeg. Kapag naipit ito, pwede ka makaranas ng pamamanhid.
May mga kondisyon rin na pwedeng magbigay ng pamamanhid gaya ng maling posisyon ng pagtulog, pagkabunggo sa ulo o leeg at iba pang pisikal na dahilan.
Gamot Sa Pamamanhid Sa Braso
Kung ito ay dahil sa nerve damage, may mga rekomendadong supplement o gamot ng pwedeng ibigay ng doktor. Ngunit kung ito ay malala, pwede kang sumailalim sa surgery.
Ang iba pang sakit na nabanggit ay pwede rin bigyan ng gamot at treatment ayon sa doktor.