Maliit Ang Dumi Na Lumalabas: Sanhi At Solusyon

Kaunti ba ang tae na lumalabas sa iyo. Kung ito ay madalas mangyari, maaaring may problema ang iyong digestive at excretory systems. Dapat itong bigyan ng solusyon dahil ang hindi pagdumi ng tama ay pwedeng mauwi sa karamdaman. Ano ang dahilan nito?

Dahilan ng Maliit na Dumi

May ilang kondisyong sa kalusugan na pwedeng magdulot ng maliit na tae. Sa bata at matanda, ito ay posibleng dahil sa constipation. Ang hirap sa pagdumi ay hindi komportable. Ito rin ay pwedeng magdulot ng ibang problema kapag napabayaan.

Mga Sintomas

Maliit ang tae at putol putol

Manipis ang dumi na lumalabas sa puwet

Masakit ang tiyan pero maliit ang tae

Hindi buo ang dumi kapag lumalabas

Hirap dumumi at maliit ang hugis

Sanhi ng Constipation

May ilang sanhi nito na may kinalaman sa diet. Kung ikaw ay madalas kumain ng karne at kaunting gulay, pwede itong mangyari. Ang kakulangan sa fiber ay pwedeng maging sanhi ng constipation.

Ito rin ay pwedeng mangyrai kung ikaw ay kulang sa tubig. Ang taong dehydrated ay pwedeng makaranas ng constipation o paninigas ng tae. Importante na uminom ng sapat para hindi matuyuan ang katawan.

Cancer Ba Ito

May ilang pagkakataon na ang isang tumor ay pwedeng bumara sa malaking bituka. Kung ito ay colon cancer, dapat itong gamutin agad sa tulong ng isang doctor.

Gamot Sa Maliit Na Tae

Kung ito ay sanhi ng constipation, may mga nabibiling over the counter medicines para makadumi ng maayos. Itanong sa doctor o pharmacist ang mabisa para sa iyong karamdaman.

Kung ito naman ay dahil sa baradong colon o iba pang problema gaya ng tumor, cancer at infections, dapat itong matingnan ng isang doctor.

Doctor Para sa Dumi o Tae

Ang isang gastroenterologist ay makakatulong sa iyong problema. Importante na magpakonsulta sa doctor kung ikaw ay may mga sintomas gaya ng hirap sa pagdumi o maliit na tae.

References: Mayoclinic



Last Updated on June 19, 2020 by admin

Home / Sakit sa Sikmura at Tiyan / Maliit Ang Dumi Na Lumalabas: Sanhi At Solusyon