Malagkit Na Mata at Namumula Dahilan at Lunas

Napansin mo bang malagkit ang mata mo? Pwede itong isang uri ng impeksyon. Kung ito ay biglang nangyari at may kasamang ibang sintomas, importante na ito ay magamot para hindi lumala. Ano ang dahilan ng malagkit na mata?

Dahilan ng Malagkit na Mata Kapag Dumidilat

Ang pagkakaroon ng mucus sa mata ay isang sintomas ng impeksyon. Halimbawa nito ay nakakahawang sore eyes. Kapag namamaga ang mata, pwede itong magkaroon ng lamad o maraming muta na malagkit. Pwede ring ito ay dahil sa kuliti, allergies at iba pang infections.

Gamot Para sa Nanlalagkit Na Mata

Ito ay pwedeng magamot kung ibinigay ng doctor ang drops, ointment at iba pa. Importante na magpatingin muna sa doctor at huwag gagamit ng kahit anong gamot nang walang reseta.

Sintomas ng Malagkit na Mata

Malagkit ang mata pagdilat sa umaga

Malagkit ang mata kapag binubuksan o kumukurap

Nanlalagkit ang mga mata sa gilid

Maraming naipon na muta sa mata

Namumula ang mata at maraming sipon

Makati ang mga mata at malagkit

Paano Iwasan

Importante na huwag mong kuskusin ang iyong mata kapag makati. Ito ay magdudulot ng lalong iritasyon. Maghugas palagi ng kamay. Itanong sa doctor kung paano ito gagamutin.

Doctor Para sa Malagkit na Mata

Ang isang ophthalmologist ay eksperto sa mga mata. Kumonsulta sa inyong ospital kung ikaw ay may mga sintomas sa iyong mata.

Reference: Healthline



Last Updated on April 4, 2020 by admin

Home / Mga Sakit Sa Mata / Malagkit Na Mata at Namumula Dahilan at Lunas