Malabo Ang Paningin sa Malayo – Nanlalabo Ang Mata sa Malayuan na Tingin

Nararanasan mo na ba na malabo ang paningin mo kapag tumitingin sa malayo? Ito ay pwedeng makasagabal sa iyong pang araw araw na gawain. Importante rin na malinaw ang parehing malapit at malayo na paningin lalo na sa trabaho.

Ano Ang Mga Sintomas ng Malabo ang Paningin?

Ang malabong paningin ay pwedeng maging sanhi ng hirap sa paggawa ng mga bagay. Ilan sa mga sintomas nito ay:

Malabo ang mga nakikita sa malayo

Malabo ang paningin kapag tumitingin sa malayo na distansya

Blurred o hindi malinaw kapag gabi

Hirap mag drive dahil malabo ang paningin

Hindi mabasa ang malayo na pagtingin

Mga Sanhi at Dahilan

Ano ang posibleng sakit kapag malabo ang paningin sa malayo?

Ang isa sa pinaka karaniwang dahilan nito ay pagkakaroon ng nearsightedness. Ito ay kondisyon sa mata na tanging malalapit na bagay lamang ang malinaw. Isa itong uri ng astigmatism na siyang pwedeng maging dahilan ng hirap sa pagtingin.

Paano Gamutin ang Malabong Paningin sa Malayo

Isa sa options na pwedeng maibigay sayo ay pagsusuot ng salamin o eyeglasses. Ito ay may sukat na tamang grado para maging malinaw ulit ang iyong paningin sa malayuan.

May ilang doctor na ginagamot ang ganitong kondisyon gamit ang contact lens. Ang ilan naman ay pwede ring makabenepisyo mula sa Lasik surgery. Itanong sa doktor ang options mo para bumalik ang linaw ng mga mata.

Pagkain At Vitamins Para sa Malabong Mata

Mainam na kumain ng prutas at gulay na kumpleto sa sustansya. Isa sa nakakatulong sa mata upang maging malinaw ito ay Vitamin A at Lutein.

Ano Ang Doctor Para sa Malabong Mata

Pwede mo itong ipatingin sa isang ophthalmologist. Kung ikaw naman ay kailangang sukatan ng lente, ang optometrist ang pwedeng gumawa nito. Ang doctor sa mata ang siyang susukat kung ano ang tamang lente na bagay sayo.

Source: Mayoclinic



Last Updated on September 18, 2019 by admin

Home / Mga Sakit Sa Mata / Malabo Ang Paningin sa Malayo – Nanlalabo Ang Mata sa Malayuan na Tingin