Kumakati ba ang iyong buhok sa ari? May mga taong pwedeng magkaroon ng sintomas ng makating bulbol na siyang nagbibigay ng di magandang pakiramdam. Kung palagi itong nangyayari sa iyo, marapat na ito ay masuri ng isang doktor upang malaman ang sanhi.
Ang pubic hair o bulbul ay mga buhok na tumutubo sa ari ng lalaki o babae. Sa mga lalaki, ito ay nasa pinakapuno ng titi at palibot nito. Ang bayag ay tinutubuan din ng bulbul hanggang sa puwet. Sa mga babae, ang bulbol ay tumutubo sa itaas na bahagi ng puki at pwede ring umabot sa kabuuan ng ari nito.
Mga sintomas ng makating bulbol o pubic hair
Makati ang mga buhok sa ari
Kumakati at nagpapawis ang bulbol
Makati at mahapdi ang pubic hair
Bakit Ito Nangyayari?
May mga ilang kondisyon ng katawan na pwedeng magdulot ng ganitong sintomas. Ilan sa posibleng dahilan ay:
- Pagkakaroon ng pubic lice o kuto sa bulbol ito rin ay tinatawag na crabs
- Pagiging pawisin na siyang pwedeng magpakati nito
- Iritasyon dahil sa trimming o shaving ng pubic hair
- Fungal infection
Ano Ang Lunas Para Dito?
Ang gamot para sa makating bulbol ay pwedeng ibigay ng isang dermatologist. Kung ito ay dahil sa infection, may mga antibiotic na nirerekomenda ang mga doktor at kailangan mo ang reseta bago mo ito mabili.
Ngunit ang simpleng kati dahil sa pawis o dumi sa balat ay maaari nang malunasan sa simpleng paglilinis ng katawan.
Sa pag-aahit o shaving, mabuting maglagay ng shaving cream upang hindi mairita ang tubuan ng buhok.
Nakakahawa Ba Ito?
Ang crabs o kuto sa bulbol ay pwedeng makahawa. Ito ay nangyayari kung ang isang tao ay maraming sexual partners. Iwasan ring humiram o gumamit ng mga damit ng ibang tao lalo na ang underwear.