May nararamdaman ka bang kati sa palad mo? Pwede itong mangyari sa kanan o kaliwang kamay ngunit dapat mong malaman kung ano ang dahilan nito. Ang pangangati ng palad ay pwedeng minor lamang ang dahilan ngunit may ilang sakit na sanhi ng ganitong sintomas.
Sintomas ng Makating Palad
Ang palad ay pwedeng kumati at magkaroon ng iba’t ibang sensations. Ang ilan sa mga ito ay:
- Kumakati ang ilalim ng palad sa kamay
- Makati ang palad kapag pinapawisan
- May parang tumutusok na kati sa palad
- Makay na makati at namumula
Mga Posibleng Sakit ng Makati ang Palad
Eczema
Nerve damage
Diabetes
Allergy
Ang diabetes na hindi nagagamot ay pwedeng makaapekto sa nerves. Pwede itong magdulot ng iba’t ibang sensations gaya ng pangangati, tusok tusok at iba pa.
Ang eczema naman ay isang kondisyon sa balat na pwede ring maging sanhi ng pangangati ng palad. Ito ay madalas na may kasamang pagbabalat, pamumula at pagtutuyo ng balat.
Nerve damage rin ang pwedeng dahilan kung bakit may nangangati na parte ng palad kapag ito ay pinagpapawisan. Sa isang banda, ang pagkakaroon ng infections o kaya naman sakit sa balat dulot ng fungus at bacteria ay pwede ring magpakati rito.
Doctor Para sa Makati na Palad
Ang palad ay parte pa rin ng balat kaya pwede kang magtanong sa isang dermatologist. Kung ito ay may ibang sintomas gaya ng pamumula at pagsakit, pwedeng ang isang doktor ay magbigay ng gamot.
Anog Ang Gamot sa Makating Palad
Ang palad na kumakati ay dapat na masuri ng isang doktor. Ang gamot ay siya lamang maibibigay matapos ang ilang tests para rito. Kung ikaw naman ay may first aid na solution para mabawasan ang kati, pwede itong gawin. Ang ibang tao ay gumagamit ng anti itch lotions.
Pagkain Para Sa Palad Na Makati
Dapat kang umiwas sa mga pagkain kung saan may allergy ka. Ito ay pwedeng magdulot ng pangangati sa mga bahagi ng katawan.
Source info: MedicalNewsToday