Makati Ang Loob Ng Tenga Ano Ang Sanhi Nito

Ikaw ba ay may makating tenga sa loob nito? Ang mga taong nakakaranas ng ganitong sintomas ay maaaring may impeksyon sa tainga. Ngunit may ibang kondisyon na pwede ring magdulot ng ganitong pakiramdam at marami sa mga ito ay madaling lunasan.

Dahilan Ng Makating Tenga

Ang tenga ay maaaring kumati dahil sa posibleng impeksyon, damage sa nerves, sipon. May ilang pagkakataon na ito ay dahil lang sa dumi o kaya may insekto na nakapasok sa loob gaya ng langgam. Kung ang sintomas mo ay hindi nawawala o nakakaabal sa iyo, magpatingin sa isang doctor sa tenga.

Ilan pang posibleng dahilan ng pagkati ng tenga ay:

  • Fungal infection
  • Pasimula ng impeksyon
  • Pagkakaroon ng insekto sa loob ng tenga
  • Baradong tenga dahil sa sipon o sinusitis
  • Dahil sa nervous system sensation

Kumakati Ang Loob Ng Tenga

Ano ba ang posibleng sintomas ng tenga na may makating loob? Ang tenga ay may lagusan papaloob na kung saan natatagpuan ang ear drums. Kapag ito ay may sintomas na pangangati, maaari kang makaramdam ng mga sumusunod:

Kumakati ang loob ng tenga kapag nagsasalita

Makati ang tenga kapag ngumunguya

May makating bahabi ng tenga sa labas at loob

Parang tinutusok ang tenga

Masakit na tenga na may pangangati

Paano Ito Magagamot?

Ang makati sa loob ng iyong tenga ay dapat na suriin muna ng isang doktor. Ito ay makakatulong para malaman agad kung ano ang sanhi ng makating tenga.

Kung may ibang bagay sa loob ng tenga, ito ay pwedeng alisin ng doktor. Kung impeksyon naman ang dahilan nito, ang pag-inom ng antibiotic ay pwedeng makatulong para mabawasan ang pangangati.

Mabibingi Ba Ako?

Ito ba ay senyales ng pagkabingi? Ang kumakati na tenga ay dapat na masuri ng isang doktor. Kung ito ay dahil sa impeksyon, dapat itong gamutin dahil pwedeng lumala ang sintomas na pwedeng maging sanhi ng pagkabingi.

Doctor Para sa Tenga

Ang mga ENT doctors ay espesyalista para sa tenga. Sila ang maaaring sumuri sa mga problema nito at magbigay ng gamot. Kumonsulta sa isang doktor para sa mga sintomas na may kinalaman sa iyong pandinig.