May nararamdaman ka bang pangangati sa labi? Ito ay pwedeng mangyari sa taas o baba na bahagi ng bibig. Kung ito ay madalas mangyari, importante na malaman kung ano ang sanhi nito.
Ano Ang Pakiramdam ng Kumakati na Labi?
Ang bibig mo ay pwedeng makaranas na alinman sa mga sintomas na ito:
- Nangangati ang bibig
- Kumakati ang labi kapag kumakain
- May pangangati ng labi kapag nagsasalita
- Makapal na pakiramdam sa labi
- Makating labi kapag binubuka ang bunganga
- Namamanhid ang labi at parang may tumutusok
Mga Posibleng Sakit ng Makati na Labi
May ilang sintomas ng labi na pwedeng may kinalaman sa nerves. Kung ito ay nangyayari kapag nagsasalita ka, pwedeng ang damaged nerves ang dahilan. Ilan sa mga ito ay
- Diabetes
- Pagbunot ng ngipin (bagang)
- TMJ Syndrome
- Food poisoning
- Dahil sa kinain o ininom
Sanhi ng Makating Labi
Iba pang posibleng sanhi ng makating labi ay allergy at trauma. Kung ikaw ay may kinain kamakailan at may allergy ka rito, posibleng kumati ang bibig mo. Kung ikaw naman ay nakaranas ng physical trauma sa mukha, pwedeng na damage din ang nerves mo. Kumonsulta sa isang doktor kung kinakailangan.
Kung ikaw naman ay may ininom na gamot, pwedeng ito ay dahil din sa side effects na pwedeng sanhi rin ng allergy sa gamot na ito. May ilang tao na may infection sa bunganga kaya kumakati ang labi at bibig.
Doctor Para sa Makati na Labi
Kung ikaw ay nababahal sa sintomas, pwede kang kumonsulta sa isang family medicine. Siya ang magrerefer kung anong tamang doktor ang pwede mong konsultahin kung magpapagawa siya ng ilang tests.
Mga Medical Test Sa Labi
Kung ang iyoing dentista ay magpapagawa ng scans, it ay posibleng xray o MRI. Kung ang nangangating labi ay may kasamang ibang sintomas, pwedeng ito ay nasa dugo kaya posibleng magpagawa ng blood test.
Gamot Para sa Makating Labi
Ang mga sintomas na may kinalaman sa dugo at nerves ay pwedeng gamutin depende sa diagnosis ng doctor. Kung ito ay diabetes, magrerecommend siya ng pampababa ng blood sugar at diet.
Kung ito naman ay nerve damage, posibleng may gamot para sa nerves na ibibigay ang doktor. Importante na ikaw ay makita ng isang doktor upang maging tama ang gamot na ibibigay.
References Healthline