Maitim Na Tuhod At Siko Paano Paputiin?

Maitim ba ang siko mo? Yung tuhod? Kung ikaw ay nahihiyang makita ito ng mga tao, meron kang mga pwedeng gawin upang manumbalik ang kaputian ng mga ito. Ang simpleng mga paraan na pwede mong gawin sa bahay ay makakatulong na.

Bakit Umiitim Ang Siko At Tuhod?

May mga ilang dahilan kung bakit ito nangyayari. Madalas ito ay may kinalaman sa kondisyon ng balat. Ngunit ilan sa mga posbileng sanhi ay:

  • Kakulangan sa tubig o moisture sa katawan
  • Pagkakaroon ng peklat mula sa dating sugat
  • Pagkakaroon ng kalyo o makapal na balat
  • Dumi o libag
  • Pagkakaroon ng sakit sa balat
  • Genetics o nasa lahi
  • Pagbibilad sa araw

Ano Ang Mga Pwedeng Gawin Para Pumuti

Ang pagpapaputi ng tuhod at siko ay pwedeng gawin gamit ang ilang prutas at gulay. May mga pagkain din na pwedeng magpaputi ng mga bahagi na ito. Ilan sa mga posibleng gamitin0 ay:

  • Aloe Vera
  • Coconut oil
  • Lemon
  • Yogurt
  • Scrub na gawa sa honey, oats, sugar
  • Whitening soap

Gamot Para Pumuti Ang Tuhod

May ilang whitening tablets na nagsasabing pwede kang pumuti. Ngunit ito ay dapat lamang gamitin kung nirekomenda ng doktor. Ang ilan sa mga ito ay may Vitamin E, Vitamin C at sunblock.

Ano Ang Dapat Gawin

Sa simula, pwede ka munang mag-exfoliate ng balat. Ang paggamit ng scrub at magaspang na tela ay pwedeng magtanggal ng makapal na balat sa siko at tuhod.

Dapat ka rin uminom ng sapat na dami ng tubig upang maiwasan ang dry skin. Ito ay nakakatulong para maging malambot ang balat at maiwasan ang pagtutuyo.

Ang pagpahid ng moisturizer at ilang whitening creams at soaps ay pwede rin makatulong para pumuti ulit ang iyong tuhod at siko. Sigaraduhin lamang na ikaw ay hindi allergic sa mga nilalaman ng mga produktong ito bago gamitin.

Ano Ang Pinakamabisang Sabon

May ilang sabon na naglalaman ng vitamins at minerals para makaputi ng balat. Ang ilan naman ay may ingredients na papaya o kaya naman ay kojic acid. Importante na malaman mo kung ito ay hiyang sa iyong balat bago gamitin.